Year of the Sheep, 2015

Masaganang Bagong Taon mga Kabayan! Taon 2015 na Year of the Sheep. Maging Maamong Tupa sana ang taon na ito sa ating lahat.  Ano nga ba ang maaari nating asahan sa taon na ito?

Ayon sa Chinese Zodiac Sign, malakas ang numero walo (8) sa taon na ito at sumisimbolo ito ng kapayapaan, kasaganaan at tagumpay. Ngunit kailangan lang ba tayong maniwala sa sabi sabi na ito? May palagay ako kabayan na kailangan natin ng ibayong Pagtitiwawala sa Poong Maykapal, pagsisikap sa ating mga buhay at pakikipag kapwa tao.

 

Isinilang sa Year of the Sheep ang mga sumusunod na mga taon; 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027. Ilan sa kanilang mga katangian ay tahimik at payapa, mapagmahal, mapagbigay, maalaga, mahaba ang pasensiya, may puso para sa mga taong hirap ang sitwasyon sa buhay at madali silang maging tulay sa magkabilang panig sa tuwing may gusot.

 

Hindi madaling makuha ang tiwala ng isang taong isinilang sa Year of the Sheep ngunit kapag nagtiwala sila sa isang tao, tapat silang kasama at kaibigan. Tuwing Year of the Sheep, ayon sa mga Chinese, mas mabuti na bigyan ng pansin ang mga pamilya natin at tahanan.

 

Year of the Sheep man yan o ibang Year of…kabayan, ang lagi sana nating tatandaan ang paniniwala natin sa Poong Maykapal, sarili nating pagsisikap, mabuting pakikipag kapwa tao at isa na rin ang maka kalikasan, ang mga bagay na magtutulay sa atin upang makatawid sa Taon 2015.

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: