News Philippines 

Wagi ang Vigan!

Calle Crisologo, Vigan. Dito matatagpuan ang mga Spanish mansions at mga kalesa.
Calle Crisologo, Vigan. Dito matatagpuan ang mga Spanish mansions at mga kalesa.

Ang Vigan ay napili na isa sa mga New 7 Wonder Cities of the World. Ito ay matatagpuan sa Ilocos Sur, Philippines. Madaming mga turista ang pumupunta ng Vigan dahil tinagurian itong “romantic place” dahil sa akala mo ay bumalik sila sa panahon ng Spanish.

Ang mga mansions na may bubong na tisa (tiles), mga bintana na gawa sa capiz shells, mga cobblestones na daanan ay nagpapasariwa ng mga naunang panahon dito sa Pilipinas. Ang mga kalesa ay isang tanawin na kaaya-aya sa mga turistang dayuhan at malimit at sumasakay pa sila sa mga ito.

At sino ba naman ang makakalimot sa kanilang masarap na empanada? Ngayong isa na sa mga 7 New World Wonder Cities of the World ang Vigan, lalo pang mag iibayo ang turismo sa Ilocos Region.

Ang masarap na empanada na ipinagmamalaki ng Vigan.
Ang masarap na empanada na ipinagmamalaki ng Vigan.

 

Kasama rin ang mga sumusunod na cities sa mga nagwagi; Beirut, Lebanon; Doha, Qatar ; Durban, South Africa;  Havana, Cuba;  Kuala Lumpur, Malaysia  at La Paz, Bolivia.

(Larawan mula sa wikipedia at 2[dot]b[dot]blogspot[dot]com)

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: