Filipinos in Kuwait OFW 

Usaping Termination

Bilang mga OFW kailangan malaman ang ating mga karapatan.
Bilang mga OFW kailangan malaman ang ating mga karapatan.

Nagsimula po ako bilang empleyado ng isang private company noong March 31, 2014. Mula May 4, 2014, Sunday hanggang May 10, 2014, Saturday unpaid po ang aking leave. Ang second leave ko ay simula November 1, 2014, Saturday hanggang November 8, 2014, Saturday.

Ang work period po namin sa company ay Sunday to Thursday at kwentado ng 30 days ang payroll. Nais ko sanang malaman kung ang sick leave ay nagamit Wednesday hanggang Thursday, at ang sumunod na leave ay Sunday hanggang Monday, ang Friday at Saturday po ba noon ay kasama sa sick leave?

Ako po ay na terminate sa aking trabaho noong December 1, 2014 at binigyan po ako ng 3 months para ma transfer ang residency bago sumapit ang February 28, 2015. Sabi po ng company huwag na akong pumasok dahil hindi na nila kailangan ang aking serbisyo.

Nakapagtrabaho po ako ng 8 months lamang at hindi kasama ang 3 months’ notice sa aking service period at mayroon pa silang ayaw bayaran na indemnity at balance leave. Ang reason po nila, hindi daw ako nakapag complete ng one year sa kanila. Sa kadahilanan hindi pa nila binabayaran ang aking indemnity, hindi ko pa ma transfer ang aking residency. Binigay po nila ang aking passport ngunit and Civil ID ko ay itinago nila at ibabalik lang daw sa akin kapag nakapag transfer na ako ng residency.

Kung madedelay ang aking pag transfer ng residency pagkatapos ng 3 months’ notice period dahil sa reason na ito, maaari po ba akong habulin o kasuhan ng company?

Magkano po kaya ang aking indemnity at annual leave? Hanggang November 30, 2014 o hanggang February 28, 2015, kasama ang aking 3 months’ notice period? Ang work experience letter ko ba ay mailalagay ang February 28, 2015 o hanggang November 30, 2014 lamang?

Umaasa na matutulungan ninyo po ako.

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: