Usapang Kasambahay

Mahalaga ang kasambahay sa buhay ng migrant family dito sa Kuwait. Sana ay palaging maayos ang pakikitungo natin sa isa't isa.
Mahalaga ang kasambahay sa buhay ng migrant family dito sa Kuwait. Sana ay palaging maayos ang pakikitungo natin sa isa’t isa.

Noong July to August 2014, nagbakasyon kami sa Pilipinas kasama ang kasambahay namin. Tiga Quezon City kami at siya naman sa Laguna. Ilang araw bago kami bumalik ng Kuwait ay nagkasakit ang kanyang ina kaya’t nakiusap na huwag munang sumama sa amin. Pumayag kami at pina re-book namin siya for the next 2 weeks. Hanggang sa ayaw na niyang bumalik sa Kuwait at hindi na namin siya mapilit.

Malapit ng mag 6 months sa February 20 ang kanyang visa at ayon sa pagkakaalam ko, ma expire at ma cancel ang visa niya automatic. Tama po ba ito?

Ang mga tanong ko ay;

  1. Kailangan ko bang cancel ang visa niya nang personal sa immigration?
  2. Kailangan ko din bang pumunta sa Public Authority for Civil Information (PACI) para ibalik ang kanyang Civil ID?

Maraming Salamat po.

Share this post

Leave a Reply