Kabayan Info Philippines 

THE NAPOLES STORY: Ano ba ang mga tunay na kaganapan?

Napoles

Matunog na balita na malakas ang koneksyon ni Janet Lim Napoles sa pumanaw na si Emilia Boncodin, DBM Secretary. Si Emilia ang nag-a-update at nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon kay Napoles tuwing na-aaprubahan ang budget o SARO at kung sinong Senador o Congressman.

 

Si Gringo Honasan naman ay isang malapit na kaibigan ng asawa ni Janet Napoles na si Jimmy Napoles. Ngunit lihis sa impormasyon na ito, naglabas ng statement sa isang panayam si Honasan na hindi niya kilala ang Napoles family.

 

Sa panahon ng coup noong pamamahala ni Cory, si Jimmy Napoles ay isang driver ng tanke patungo sa Kampo Krame ng ito ay matamaan ng mortar.

Si Jimmy ay nag-ooperate ng .50 kalibreng Maching Gun at namatay ang militar na nagmamaneho ng tangke dahil sa pagsabog. Nakulong si Jimmy kasama ni Honasan. Kung makikita niyo ang mga larawan ni Jimmy Napoles mapapansin nyo na parte ng mukha at braso nya ay may “burn marks”.

 

Ang kayamanan nila ay nagumpisang lumago noong 90’s ng magkaroon si ng koneksyon sa mga Mayors na nakabase sa Zamboanga para gamitin sila bilang “front” sa mga Foundation na mag-iimplimenta ng mga proyekto o pagdeliber ng mga materyales sa mga bukid o farm. Gamit ang mga koneksyon nila sa COA, nagagawa nilang palabasin na natatapos nila ang isang proyekto kahit wala silang naididiliber ko naipapakita. Itinayo nila ang JLN group of Companies noong 2000 at lumipat sila sa bago nilang opisina mula sa AFPOVAI patungo sa Discovery Suites sa 25th floor.

 

Matapos ang ilan pang mga taon nagkaroon pa sila ng karagdagang koneksyon sa mga lehistador o legislators sa Kongreso at maging ilang mga Senador. Ang JLN Group of Companies at ang Sub-Company nito na Jo-Chris Trading (Naipinangalan sa kanilang pinaka matandang anak na si Jo-Christine Napoles)- ginagamit nila ang kanilang mga Foundation bilang implementing agency para sa mga pondo ng mga Congressmen at mga Senador. Ang mga Congressmen at Sendaor ay mgay mga budget, ito ay tinatawag na PDAF o Pork Barrel, ngunit ang mga politiko na ito ay walang access sa mga pondong ito at hindi nila ito magagalaw basta basta. Kaya naman ang ginagawa ng mga politiko ay gumawa ng mga proyekto at hihilingin sa DBM na i-set ang kanilang budget. Pagkatapos naman noon ay magkakaroon sila ng public bidding na pamamahalaan ng DAR. Ang resulta ng bidding ay iniayos na o fixed at ang mananalo ay ang Foundation ni Napoles. Ang pondo o SARO  ay irerelease gamit ang Foundation ni Napoles matapos iyon hihingin na ng mga Congressman o Senador ang 70% ng buong pondo. Kung ang proyekto ay nagkakahalaga ng 10 milyon, bibigay ni Janet ang 70% ng 10 milyon. Madalas ang pamangkin ni Janet na si John Francisco Lim ang tagapag dala ng pera o pondo, magkikita sila sa Podium o sa anumang parking lot. Madalas nilalagay ang pera sa plastic or paper bag.

 

Kung ano ang matitira sa pondo, mas madalas ay 30% ay mapuputa kay Napoles. Naipabalita na mas madalas nilang ipa-cash-in ang checke na nag mula sa DBM sa Landbank sa Greenhills at ang Manager ng naturang branch ay napabalitang nasa payroll ni Janet Napoles. Binabayaran din umano ni Napoles anf inspektor mula sa COA o kung sino man ang involve sa DAR.

Ito ang kanilang processo ng pagtatrabaho. Ito ang ginagawa nila sa loob ng isang dekada o higit pa. Ito din ang dahilan kung bakit naipapabalita na madami o malaki ang kinikita ng mga politiko at ang mga taong nagtatarabaho ng patas ay maliit lamang ang kita. Hindi lamang ito kasalanan ni Mrs. Napoles. Ang pagkasakim ng ilang mga Senador at Kongresista ang malaking dahilan ng patuloy nilang operasyon. Mahiwaga din na noong dinala ang pamilya ni Napoles sa hukuman, ang mga taong naglilitis sa kanya ay ilan din sa mga taong parte ng kabalastugang ito.

Source:
http://definitelyfilipino.com/blog/2013/08/23/the-napoles-story-so-the-entire-philippines-will-know/
http://momandpopmoments.com/2013/07/31/janet-napoles-pork-barrel-scam-theft-from-a-nation/
 http://globalbalita.com/2013/08/21/the-napoles-story-so-the-entire-philippines-will-know/

 

 

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: