documents OFW 

Tanong ni Kabayan, Sagot ni Editor 6

 

 

 

Sagot tungkol sa Pagpapakasla sa Kuwait, Iqama at Release papers.
Sagot tungkol sa Pagpapakasal sa Kuwait, Iqama at Release papers.

Pagpapakasal sa Kuwait. Muslim ang lalaki, single at hindi Pilipino. Kabayan ang babae, kasal sa Pilipinas ngunit hiwalay sa asawa. Ano nga ba ang dapat nilang gawin? Sa kanya kanyang embassy, dapat ay mag inquire ang bawat isa kung paano sila mapapayagan magpakasal sa Kuwait. Bawat embassy magkakaiba ang mga requirements.

Iqama. Ang Iqama ay residency card na binibigay sa mga nagtatrabaho sa Saudi Arabia. May pagkakataon lalo na sa mga domestic helpers, minsan patapos na ang contract nila hindi pa rin lumalabas ang kanilang Iqama.

Tulad sa isang kabayan, patapos ng October and kanyang contract ngunit sabi ng employer niya, February ng kasunod na taon ang labas ng kanyang Iqama. Gustuhin man umuwi ng domestic helper – kailangan ay makipag tulungan muna siya sa kanyang agency upang malaman ang dapat gawin.

Ayaw magbigay ng release papers ang employer. Nagkausap ng mabuti si kabayan na household service worker (HSW) sa Kuwait at ang kanyang employer. Pinapayagan umalis ng employer sa kanila si kabayan dahil tapos na rin two months ago ang kanyang contract sa kanila. Maiintindihan ng employer kung gustong pumasok sa iba si kabayan o umuwi ng Pilipinas. Ang katotohanan lang, hindi nagbibigay ng release papers ang pamilya ng employer. Ano ang dapat gawin sa sitwasyon na ganito? Tanging pakikipag usap ng mabuti sa employer ang pinakamagandang paraan, kabayan.

Related posts

Leave a Comment