documents Filipinos in Kuwait Kabayan Info Kuwait Info OFW Philippines 

Tanong ni Kabayan, Sagot ni Editor 5

Police Clearance mula Kuwait, Finger Print bago deportation at Authentication of documents.
Police Clearance mula Kuwait, Finger Print bago deportation at Authentication of documents.

Police Clearance mula Kuwait. Nakauwi si kabayan ng Pilipinas mula Kuwait at ilang buwan ang nakalipas, mag a apply sila ng Visa sa New Zealand ng kanyang asawa. May mga bansa tulad ng USA, Australia, New Zealand at iba pa na requirement ang Police Clearance mula sa pinaka huling bansa kung saan nag stay at nag work ang visa applicant. Sa pagkakataon na ito, mabuti na pumunta at humingi ng kaukulang information sa Kuwait Embassy sa Pilipinas kung paano makakakuha ng Police Clearance ngayong balik Pilipinas na ang visa applicant.

Finger Print bago deportation. Sa hindi kabutihan na pagkakataon ay mayroon mga kabayan na nahuhuli dahil expired na ang Visa nila at nakukulong sila ng one week para sa processing ng mga documents. Kalimitan sa Jleeb or sa Jhara at walang nakakadalaw doon. Pagkatapos ng finger printing, direcho uwi ng Pilipinas.

Authentication of Documents. Sa Department of Foreign Affairs sa Pilipinas ang authentication of documents. Ang main office ay sa 2330 Roxas Boulevard, Pasay City at mayroon din sa Pampanga – Robinsons Star Mills, City of San Fernando, Pampanga at Marquee Mall – Pampanga.

Maaaring pa authenticate ang mga documents tulad ng – NBI Clearance,  NSO issued documents in security paper including CENOMAR, Barangay Certification w/ Mayor Certification, Police Clearance, Affidavits of Employment, Trainings/Seminars, and Baptism /Confirmation w/ Regional Trial Court (RTC) Certification, Other Notarized Documents (SPA, Affidavit of Support and Guarantee, Consent, etc.) with RTC Certification, Medical Certifications authenticated by DOH, PRC Documents, LTO License Certification (issued by LTO main office only), Foreign Documents authenticated by the Philippine /Consulate or documents authenticated by Foreign Embassies/Consulates based in the Philippines. School Records (TOR, Diploma, Form 137, etc) w/ CHED, TESDA, or DEP-Ed Certificate of Authentication and Verification (CAV) at School Records with CAV issued by State Colleges and Universities.

Mahalagang paalala na applicant ang personal na kukuha ng claim. Kung sakaling sa hindi maiiwasang dahilan, hindi personal na makakapunta ang applicant, kailangan ay magbigay siya ng authorization letter sa kanyang authorized representative. Dalhin ang mga sumusunod; Photocopy ng applicant’s ID, na makikita ang signature at ID ng representative at signature.

Pagkatapos ng tatlong buwan (3 months) ng release at hindi pa nakukuha ang document, mawawalan nang importansya ito ayon sa DFA.

(Information mula sa dfa(dot)gov(dot)ph)

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: