Tanong ni Kabayan, Sagot ni Editor 2

Paano kung kapwa Filipino mo ang nang iipit sa iyong part time job salary?
Paano kung kapwa Filipino mo ang nang iipit sa iyong part time job salary?

Kabayan: Saan po pwedeng kumuha ng Civil ID?

Sa Al Jahra Cooperative Society at isa sa may South Surra.

Kabayan: Nakapag part time po ako ng 2 days bilang yaya sa Filipino family din. Hindi na ako nakapagpatuloy gawa ng nagpa check up ako sa doctor dahil sa karamdaman at ni advice ako na huwag munang magkarga ng bata. Tinext ko at tinawagan ang Filipino family. Nagalit po sila at sabi ay hindi maibibigay ang 2 days sweldo agad. After 2 weeks pa daw. Pagkatapos ng 2 weeks, tinext at tinawagan ko hindi sila sumasagot. Hanggang nagpasiya po ako na pumunta sa flat nila. Wala po akong nadatnan. Hanggang ngayon hindi nila sinasagot tawag ko. Kanino po kaya ako lalapit para matulungan ako?

Tawagan mo Kabayan ang number na ito 69331845 sa Philippine Embassy . May Viber din yan. Direct mo na sa kanya sabihin ang problema.

Share this post

Leave a Reply