OFW Philippines 

Summer ng OFW family

Beach resort sa Subic. (photo ni CDavid)
Beach resort sa Subic. (photo ni CDavid)

Patapos na ang month of April at napupuno ang social media pages ng mga children of OFWs (Overseas Filipino Workers) sa mga summer escapades – day or overnight swimming, food trip, out of town travel. Sa likod ng mga masasayang photos, meron kulang. Alam ninyo ba kung sino? Ikaw na OFW parent na hindi makakauwi ngayong summer sa iba’t ibang mga kadahilanan.

Financial ang malimit na dahilan kung bakit marami sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang hindi nakakauwi tuwing summer sa Pilipinas. Habang nag eenjoy sa swimming ang kanilang mga mahal sa buhay, nag iipon naman ang OFW para sa – enrollment ng mga anak.

Totoo na kahit enjoy sa summer swimming ang mga OFW families sa Pinas, si Tatay OFW o kaya si Nanay OFW ay patuloy pa rin sa kanyang pagtatrabaho at nagdadasal na may overtime para makadagdag sa padala sa pamilya.

Ice cream at iba pang desserts sa isang hotel restaurant sa Pampanga. (Photo ni CDavid)
Ice cream at iba pang desserts sa isang hotel restaurant sa Pampanga. (Photo ni CDavid)

Walang kapalit sa trabaho kaya’t hindi mabigyan ng bakasyon, isa rin itong dahilan kung bakit hindi makauwi ng summer ang OFW parent. Patuloy sa pagtitipid ang OFW parent kaya’t sana kayong asawa at mga anak ng OFW, huwag sayangin ang perang padala dahil dugo, pawis at pagal ang puhunan nila upang mabigyan kayo ng maayos na buhay.

 

Related posts

Leave a Comment