Sulaibiya farms apektado ng lumpy skin disease

Kalderetang Baka ito Kabayan isa sa mga paborito nating kainin. Paano na ngayon?
Kalderetang Baka ito Kabayan isa sa mga paborito nating kainin. Paano na ngayon?

Malakas ang ugong ng balita na maraming maysakit na mga alagang baka sa mga farms ng Sulaibiya noon pang December 2014. Ngunit ayon naman sa Public Authority for Agricultural Affairs and Fish Resources (PAAAFR) sa pamamagitan ni Shaker Awwad, Director of Public Relations, nasa control na nila ang sitwasyon.

Nakapaglibot na ang mga authorities sa nasabing lugar at sa mga tests na ginawa, tanging inumin na pinamumugaran ng mga lamok ang nakitang dahilan bakit nagkaroon ng “lumpy skin disease” ang mga baka. Parang may mga bukol bukol na maliliit sa balat ng mga baka ngunit hindi ito makakaapekto sa kanilang karne at gatas.

Mula January 16, 2015, wala ng naiulat na dagdag apektado pang mga baka sa Sulaibiya. Makakatanggap din ng financial na tulong ang mga may ari ng farms kung saan nakitaan ng mga lumpy skin disease ang mga alaga nilang baka. Wala daw dapat ikabahaal ang patuloy na pagbili ng karne ng baka at gatas ng baka ang mga locals at expats sa Kuwait ayon sa PAAAFR.

Baka ang isa sa mga pangunahing export ng Kuwait kaya’t pinipilit maisaayos ang sitwasyon na ito.

(Hango sa Arabtimesnet)

 

 

 

Share this post

Leave a Reply