SSS Benefits para sa Kabayan OFWs

Ang Social Security System (SSS) ang pangunahing government agency na nangangalaga sa kanyang mga members kasama na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Dalawang bahagi ang pagtanggap sa benefits ng isang OFW member.

Unang Bahagi

Regular OFW Coverage Program – naumpisahan ito noong 1995 at tinawag na Basic Pension Program naglalayon na bawat OFW member ay mabibigyan ng kaukulang kita pagkatapos mag retiro sa kanilang trabaho.

Sa hindi inaasahang mga pangyayari, hindi sumasapat ang nakukuhang pension ng mga retiradong OFW sa SSS kaya ginawa ang ikalawang bahagi para sa mga OFW.

Ikalawang Bahagi

Ang SSS Flexi-Fund Program na pinangunahan ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo noong 2001 ay naglalayon na magbigay ng pension sa mga retiradong OFW na SSS member at kasabay na ang savings plan. Ito rin ay tinatawag na National Provident Fund for OFWs.

Mga Impormasyon tungol sa Regular OFW Coverage Program ng SSS

  1. Sakop nito ang lahat ng mga OFW na hindi lalampas sa 60 years old, matagal o baguhan man na member.
  2. Pagkatapos ng pagbayad ng unang monthly contribution, umaandar na ang program na ito.

Paano maging member sa SSS

  1. Bumisita sa pinaka malapit na SSS office at kumuha ng Overseas Worker Record (SSS Form OW-1) at punan ang mga katanungan. Magdala rin ng alin sa mga sumusunod na dokumento;
  • Birth Certificate
  • Driver’s License
  • PRC Card
  • Baptismal Certificate
  • Passport
  • Seaman’s Book

Paano ma compute ang monthly contributions?

Akma ito sa monthly salary ng isang OFW mula sa pagka register niya sa SSS.

Saan maaring magbayad ng SSS monthly contribution?

Banco de Oro, Landbank, RCBC, BPI, Metrobank at PNB.

Anu-ano ang mga benefits at loan na maaring matanggap ng isang OFW member?

  • Sickness benefits
  • Maternity benefits
  • Retirement
  • Disability (partial/total)
  • Death at funeral

Sa mga loans naman, kailangan ay matupad ang mga requirements.
Sumusunod ang mga loans na maaring makuha ing isang OFW member sa SSS;

  • Salary loan
  • Housing loan
  • House repair o improvement

Impormasyon tungkol sa Flexi-Fund Program ng SSS

Ano ang SSS Flexi-Fund?

Ito ang ikalawa at pinatibay na bahagi ng SSS upang makakuha ng dagdag benefits ang mga OFW members. Magiging mahalaga ito sa kanilang pagtanda.

Anu-ano ang mga benefits ng Flexi-fund program?

Ang Flexi-fund Program ay pension plan na savings account pa. Pinapatibay nito ang mga benefits ng regular OFW coverage. Mga members na retired na ay makakakuha ng monthly pension o lump sum.

Sino ang maaring mag enroll saFlexi-fund Program?

Mga OFW members na nagbabayad ng maximum monthly salary credit (MSC) nakasaad sa regular SSS coverage program

Paano makakabayad ang OFW sa SSS Flexi-fund?

Una sa lahat, kailangan nakapagbayad ng maximum monthly SSS contribution (sa halagang P1,560 sa ngayon) para sa applicable period. Ano mang halaga, huwag lang bababa sa Php 200.00, lampas sa naturang Php 1,560.00 ay isasama sa Flexi-fund account. Sa Php 2,000.00 na bayad ng OFW member, and Php 1,560.00 ay para sa regular SSS at Php 440.00 naman para sa Flexi-fund.

Maari din bang mag withdraw sa Flexi-fund? Ano ang kailangan gawin?

Mahalaga na ang Flexi-fung ng OFW member ay magtagal muna ng mahigit isang taon bago withdraw upang hindi na ito magbayad ng termination fees.

Mag submit ng SSS Form DDR-2, na maari ring makuha sa SSS website at pa print ito. Isang 1 x 1 ID picture, photo copy ng SSS digitized ID card o passport, para makakuha ng claim settlement.

 

 

 

 

Share this post

Leave a Reply