Events Filipinos in Kuwait OFW Philippines 

Simbang Gabi na sa Pinas

Ang Simbang Gabi ay isang tradisyon ng mga Pilipino ilang daang taon na ang nakakaraan.
Ang Simbang Gabi ay isang tradisyon ng mga Pilipino ilang daang taon na ang nakakaraan.

December 16 madaling araw ang unang Misa de Gallo o Simbang Gabi sa Pilipinas. Sa mga nagdaang ilang taon na rin, may mga Simbang Gabi sa ibang simbahan na December 15 ng gabi ginaganap ang Misa.

Marahil magtataka kayo bakit tila hindi angkop ang picture ng blog para sa Simbang Gabi? Kabayan, patunay po ang picture na ito tungkol sa katotohanan  sa ating mga buhay dito sa Kuwait bilang Overseas Filipino Worker (OFW). Para sa nag uumpisang pamilya, isang kwarto ang inuupahan, maliit man, andun na lahat ng mga kagamitan.

Pagkatapos ng trabaho uuwi sa pamilya, sama samang kakain habang nanonood ng Filipino channel upang kahit paano ay makatanggap naman ng “sangkap Pinoy” sa buhay. Dahil ang Kuwait ay may pangunahing relihiyon na Islam, ang mga Kristiyano tulad ng madaming kabayan ay nag didikit na lamang ng mga larawan ni Jesus upang kahit paano ay may Gabay sa araw araw na buhay.

Ang Christmas Spirit ay isang simpleng parol na nag papaalala na malapit na nga ang Pasko. Simbang Gabi na mamaya kabayan. Sana kahit nandito tayo sa malayong bansa, nawa’y sa ating mga puso at isipan, mananahan ang tunay na kahulugan ng Pasko – pagmamahalan, pagpapatawaran at pananaig ng pananampalataya sa Poong Maykapal.

Related posts

Leave a Comment