Expats in Kuwait Filipinos in GCC countries Filipinos in Kuwait Kabayan Info OFW 

Sen. Manny Pacquiao wins over Jessie Vargas

Panalo po ang ang ating pambansang kamao na si Sen. Manny Pacquiao Laban kay Jessie Vargas sa bakbakan na ginanap sa Las Vegas, November 6, 2016. Ipinakita ni Manny ang kanyang walang kupas na galing sa ikalawang round pa lamang ng kanyang patumbahin si Vargas. Nagpatuloy ang laro hanggang sa umabot ng 12 round at tuloy-tuloy na ipinakita ni Manny ang kanyang galing sa larangan ng boxing.

 

C

 

Muli tayong pinabilib ng ating pambansang kamao sa pamamagitan ng kanyang walang dudang kalamangan at walang hintong pag-atake ky Jessie Vargas. Mula sa dito sa Kuwait ay nasaksihan ang laban sa pamamagitan ng pay per view at mga live streaming sa internet.

pac3

 

Maligayan na naman ang Pilipinas sa tagumpay na nakamit ng ating Pambansang kamao dahil muli, kanayang napatunayan na kahit siya ay isa nang senador ay magagampanan niya parin ang kanyang husay at galing bilang isang atleta. Tunay ngang nakakatuwa ang mga ganitong pangyayari, lalong-lalo na sa mga katulad nating mga OFW. Para narin tayong naka uwi ng Pinas at sabay na nakinood sa ating mga mahal sa buhay. Muli, maraming salamat Manny, napaligaya mo kami!

 

pac2

 

Related posts

Leave a Comment