Opinion 

Selfie, totoo o hindi ?

Arrived in Kuwait. Pero walang selfie. Paniniwalaan mo ba, kabayan?
Arrived in Kuwait. Pero walang selfie. Paniniwalaan mo ba, kabayan?

Selfie. Madalas itong marinig at gawin sa social media. Pagkuha ng sariling picture kapag nasa bahay, school, airport, pasyalan, restaurant or bakasyon. Paano nga ba paniniwalaan ang post ng isang tao sa social media, kung wala siyang selfie?

May mga tao na sadyang masaya kumuha ng selfie saan man sila naroon, ano man ang kanilang ginagawa at kailan man nila magustuhan. May mga tao naman mas nasisiyahan kumuha ng pictures ng view, flowers, food, mga gamit nila, “at the moment”.

Paano kung halimbawa nag post sa social media ang iyong friend ng passport cover at sabi ay “traveling to…” o kaya naman picture ng mga tao sa airport at sinulat niya sa post ay “traveling to….”. Ang kaibahan lang, wala siyang selfie at hindi rin naka “on location” ang kanyang mobile.  Ang iba naman nag status update lang na, “Arrived at (isusulat ang lugar). Paano mo siya paniniwalaan?

Siguro, nasa pagkaka kilala mo sa iyong social media friend, doon mo malalaman kung nagsasabi ba siya ng totoo or hindi. Kung alam mo na wala siyang reason para manloko ng tao,at hindi siya ang tipo ng taong ganoon, paniniwalaan mo siya.

Kung alam mo naman na mahilig mag feeling rich, gorgeous and life is all perfect ang iyong social media friend, at alam mo naman na kaya naman niyang mag travel, baka paniniwalaan mo rin siya.

Pero kung alam mo naman na siya ang tipo ng tao na kahit noon pa man ay 2 out of 5 na sasabihin niya ay hindi totoo, aba, mag isip isip ka, nag daydream siya, malamang.

May selfie man or wala, ang punto nito, huwag sana tayong mag post ng hindi totoo sa ating social media accounts upang hindi tayo magmukhang katawa tawa sa iba.

 

 

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: