Filipinos in Kuwait Kabayan Info OFW 

Rules and Regulations, sabi ni Kabayan

Paano ba sumunod si kabayan sa mga rules and regulations?
Paano ba sumunod si kabayan sa mga rules and regulations?

Sadya nga bang “pasaway” tayong mga Filipino? Sadya nga bang mas madalas sa hindi ay ayaw natin sumunod sa mga rules and regulations? Sadya nga bang ayaw natin ang pilahan; mas gusto ba natin ang “para-paraan” lang?

Sa katulad natin na Overseas Filipino Worker (OFW), mahalaga ang sumunod tayo sa mga batas, rules and regulations lalo na at namumuhay, nagtatrabaho tayo sa ibang bansa. Tulad sa Kuwait, ang pinaka mahalaga na palagi natin dinadala kahit na sa kabilang building, restaurant, grocery lang tayo pupunta ay ang Civil ID / Residency Permit. Sa alin mang pagkakataon na matanong tayo ng pulis, mayroon tayong maipapakita na pagkaka kilanlan sa atin.

Sabi nga nila na ang kaskasero at bara barang driver sa Pilipinas, pagpunta niya sa ibang bansa, siguradong matututo siya at magiging mahinahon na driver. Bakit? Kapag hindi siya sumunod sa mga rules and regulations sa bansa kung nasaan man siya, tiyak may kaparusahan ang paglabag niya. Sa pagbabayad sa mga bills kung dati sa Pilipinas patumpik tumpik ang ugali ng kabayan, sa ibang bansa hindi maari yun dahil penalty ang katapat.

Hindi sadyang mahilig lumabag sa rules and regulations ang mga Filipino. Nangyayari lamang ang ganito dahil mismo sa nakikita nila sa ibang nanunungkulan sa gobyerno. Kung pantay pantay lamang sana ang pag trato sa mga Filipino, mayaman man o hindi, mababawasan ang mga taong lumalabag sa mga rules and regulations.

Umpisahan natin kabayan, sa ating mga sarili ang pagsunod sa mga rules and regulations. Ipakita natin na ang mga Filipino, de kalidad sa pagsunod sa mga nakatakda saan man silang sulok ng daigdig nagtatrabaho at naninirahan.

 

http://www.diarynigracia.com/ social media in Kuwait para sa iba pang details sa mga kabayan.

 

 

 

 

 

Related posts

Leave a Comment