Filipinos in Kuwait Kabayan Info News OFW 

Responsibilidad ng Airline sa Pasahero

Iba't iba ang mga dahilan kugn bakit nagba balikbayan ang isang OFW. Nais nito na ang makarating ng ligtas at nasa tamang oras sa kanyang pamilya at mahal sa buhay. Paano na lang kung ang paghihintay ay may halong kaba, takot at pangamba?
Iba’t iba ang mga dahilan kung bakit nagba balikbayan ang isang OFW. Nais nito na makarating ng ligtas at nasa tamang oras sa kanyang pamilya at mahal sa buhay. Paano na lang kung ang paghihintay ay may halong kaba, takot at pangamba?

Laman halos ng mga social pages na pang Pilipino ang nangyari sa mga kabayan natin pasahero ng Cebu Pacific flight 5J7655 stranded ng halos 2 days sa Kuwait International Airport nitong nagdaang mga araw.

March 6, 2015 4:40 AM ang flight schedule ng Cebu Pacific 5J7655 papuntang NAIA kaya’t halos sinunod ng mga pasaherong kabayan ang 3 hours before check in. May 2 hours na silang naghihintay ng sabihin na delayed ang kanilang flight at makakaalis sila 10 am pa lang.

Ang iba ay bumalik sa kanilang mga tinitirhan lalo na yung may mga kasamang maliliit na mga bata. Mas madami yung naghintay na lang sa airport dahil kulang na sa pamasahe  o kaya ay hindi na mababalikan ng kanilang mga employer lalo na yung mga household service workers.

Dumating at lumipas ang 10 AM panibagong delay na naman. Ang masakit pa nito, wala ni isang representative mula sa Cebu Pacific Airlines ang nakipag coordinate para mabigyan ng tubig, pagkain o nararapat na accommodation ang mga stranded na pasahero.

Ang delay flights ay nag resulta ng sanga sangang problema hindi lamang sa mga kabayan Pilipino sa airport. Ang iba ay hinimatay na sa gutom at walang tulog. Ang mga pamilya nilang naghintay sa airport sa NAIA ay nagka aberya din.

Hindi dapat dahilan ang promo fare ng isang airline upang ang kanilang serbisyo sa publiko ay maging dahilan ng stress, takot at pangamba. Naisip tuloy ng mga apektadong pasahero na hindi lamang iilan na insidente ang delays ng Cebu Pacific sa kanilang domestic flights. Pati international mayroon na rin.

Sabi nga ng karamihan, Pilipinas ang dinadalang bansa ng Cebu Pacific, at karamihan ng kanilang bookings ay mula sa kapwa Pilipino, mga OFW kaya nararapat lamang na ayusin nila ang kanilang serbisyo. Responsibilidad ng isang airline ang tiyakin na comfortable at safe ang kanilang mga pasahero.

 

 

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: