Directories Filipinos in Kuwait Kabayan Info 

Rawan Al Salmiya Ladies Beauty Salon

Iba't iba ang mga trabahong OFW pero para sa mga ladies, kailangan din ang magpa beauty kapag may time.
Iba’t iba ang mga trabahong OFW pero para sa mga ladies, kailangan din ang magpa beauty kapag may time.

Ako ay OFW single at working 5 days a week. Minsan ang mga days off ko ay ginagamit ko para mag attend ng mga events ng Filipino Community dito sa Kuwait, personal invites o kaya naman laundry at paglilinis sa aking room. Maraming salamat sa isang kabayan Filipina na may ari ng ladies beauty salon, hassle free time akong pumunta para sa haircut, treatment at iba pang pampaganda.

Mahahanap sa Alkansa St 3, Blk 5 Bldg 25 ,Salmiya, Al ‘Āşimah ang Rawan Al Salmiya Ladies Beauty Salon owned at managed by Madame Farida Al Halimi. Isang Ilocana si Madame Farida at hindi lang siya business woman ngunit active din siya sa mga charity dito sa Kuwait.

Mabuti siyang tao at kahit busy siya sa family at business, nabibigyan pa rin niya ng time ang bumisita sa mga kabayan dito sa Kuwait na maysakit, tumutulong sa mga takas na OFWs at nagbibigay ng libreng training para sa hair cut at iba pang beauty salon skills sa POLO OWWA.

Pamilya kung ituring ni Madame Farida ang kanyang mga customer kaya’t hindi lamang kabayan ngunit mga local Kuwaitis at iba pang expats ang madalas pumunta sa kanyang salon para magpaganda. Kahit ang kanyang mga staff ay walang ibang masabi kung di mabubuting salita para kay Madame Farida.

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: