Uncategorized 

POEA Reminder regarding Christmas Peak Season

Kasabay ng ilang mga declared holidays before and after Christmas and New Years’ Day ang mga working days po kung kailan bukas ang mga government offices tulad ng POEA.

 

Dahil sa naiipon na holidays, usually mataas ang volume ng mga pumupunta sa amin during working days.

 

Heto ang mga petsa kung kailan posibleng tumaas ang volume ng mga pupunta sa POEA kapag “Christmas Peak Season”:

December 21

December 22

December 23

December 28

December 29

January 4

January 5

 

At heto naman po ang aking payo upang maiwasan ang “Christmas Peak Season”:

1. Kung maaga naman po ang pagdating sa Pilipinas, maaari pong pumunta na sa amin bago pa ang nasabing petsa. Kung nasa Pilipinas parin po after ng New Years Day ay maari pong pumunta sa amin sa panahon na ito.

2. MAS MAHALAGA PO, mayroon na tayong BM online facility (bmonline.poea.gov.ph) para hindi na po kailangang pumila sa POEA o sa POLO.

Ang BM online po ay paraan para makapag-update ang OFW-Balik Manggagawa sa kanyang status bilang lehitimo at documented na OFW sa POEA database.

 

-Hans Leo Cacdac

POEA Administrator

poea 11-30

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: