Paskong pilit at namimilipit?

Iba't ibang design ng Christmas lights ang decoration sa mga tahanan at establishments sa Pilipinas.
Iba’t ibang design ng Christmas lights ang decoration sa mga tahanan at establishments sa Pilipinas.

Sabi nga nila na ang Pasko daw ay para sa mga bata lamang. Mga bata daw ang kailangan magkaroon ng bagong damit at sapatos. Mga bata din daw ang naghahangad ng mga regalo at aguinaldo tuwing sasapit ang Pasko.

 

Ngunit may mga “hindi na bata” at “minsan silang bata” na gusto rin ng bagong damit at sapatos sa Pasko. Nais din nilang makatanggap ng regalo mula sa mga mahal nila sa buhay at sa mga kaibigan. Ngunit practical pa ba ang ganito? Sa hirap ng buhay sa ngayon?

 

Huwag natin hayaang maging paskong pilit at namimilipit ang darating na celebration. May ilang tips sa pagbibigay ng practical na regalo.

 

  1. Minsan mayroon tayong nabibiling mga damit at gamit na hindi pa natin nasusuot o nagagamit. Maari natin pamigay bilang regalo sa taong alam natin na kailangan niya ang mga ito.
  2. Sa mga supermarket may mga naka promo na grocery items na practical pamigay bilang regalo.
  3. Pagkasyahin ang budget para sa mga regalo at mga aguinaldo.
  4. Iwasan makipag compare sa iba sa nais ibigay na regalo para sa ganoon hindi tayo mag exceed sa ating budget.
  5. Isa-puso at isa-isip na ang tunay na kahulugan ng Pasko ay pagmamahal sa Poong Maykapal, pakikipag kapwa tao, pakikipag tulungan upang mapanatili ang kagandahan ng kalikasan. Ang lahat ng ito ay maaaring manahan sa ating mga puso at isip.

 

Share this post

Leave a Reply