OFW Opinion 

Parents Series: Grade Conscious

Kung nakakakuha ng high grades at honors sa school ang isang student, guarantee ba ito na successful ang future career niya?
Kung nakakakuha ng high grades at honors sa school ang isang student, guarantee ba ito na successful ang future career niya?

Tunay na mahalaga ang parents’ involvement sa school upang mapangalagaan ang education ng anak, ngunit sana nasa tamang paraan ang ating mga ginagawa. May ilang puntos nais talakayin si admin kabayan tungkol sa parents’ involvement sa school;

Grade Conscious Parents

Madami ang mga parents na ganito, OFW man or hindi. Dahil alam nilang matalino ang kanilang anak mataas ang expectation nila sa bata. Laging sinasabi ng parents sa anak na ang highest grades, highest honors na makukuha sa school ay tiyak na successful ang career na pipiliin ng bata sa future. Na maraming big companies ang mag uunahan na hire siya bilang employee nila at gaganda ang buhay sa hinaharap.

Meron din naman parents na noong nag aaral sila ay mayroon hindi natupad na pangarap o mga pangarap kaya’t pinipilit nilang maisakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang anak. Totoong matalino ang bata, ngunit sa pagpipilit ng parents na palagi itong makakuha ng high grades, hindi nila napapansin na pressured din ang kanilang anak. Hindi lang ito makapagsabi sa kanila dahil sa pangamba at takot.

Kadalasan ang mga parents na grade conscious ay nakakagawa pa ng hindi ka nais nais sa mga teachers at sa school principal. Madalas sa hindi, ito ang mga parents na matapang na sumusugod sa school at akala mo kung sinong mapagmataas. Kalimitan ito sa mga private schools dahil, oo nga naman, nagbabayad ng husto ang mga parents upang mapag aral ang kanilang anak.

Minsan nga, grading period pa lang taranta na ang parents malaman bakit bumaba sa ranking for the period ang anak nila. Maaari naman magpunta sa school ang parents upang malaman ang dahilan pero sana gawing mahinahon ang pakiki pag usap sa teachers or sa school principal.

Kung Final grading period na at kung sa tingin ng parents ay may mali sa computation ng grades mag complain na sila sa deliberation period mismo. Kung sa tingin ng parents nadedehado ang kanilang anak, maaari nila itong itaas sa authorities ng Department of Education bago ang Recognition Day or Graduation Day.

Lahat naman ng mga parents, OFW man or hindi, mahal ang kanilang mga anak; ipinakikita nga lang nila sa iba’t ibang pamamaraan. Sana rin matanggap ng mga parents, OFW man or hindi na kahit matalino ang kanilang anak, may limit din siya sa achievement. Tao ang kanilang mga anak, hindi robot. Kaya’t sana ma appreciate ng parents, OFW man or hindi ang limitadong kakayahan ng kanilang anak.

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: