Filipinos in Kuwait Kuwait Info OFW 

Pagbilhan ng Visa

“Dear Kabayan, may nais po sana akong ihingi ng payo sa inyo. Tungkol po sa mga “binebentang Visa” dito sa Kuwait. Ako po si Myrna at nag start ng Visa 18 ngunit ngayon ay may malaking problema. Wala po akong maayos na papel at naniwala sa isang kabayan na nagbebenta ng Visa.”

“ Tulad ng karamihan, facebook ang libangan kapag may free time at doon ko po “nakilala” si Amy, isa rin kabayan na medyo matagal na daw dito sa Kuwait. Nagkapalagayan kami ng loob, nagsasabihan ng iba’t ibang mga problema sa buhay. Hanggang sa nabanggit ko sa kanya ang problema ko sa aking employer at sa pagnanais kong makaalis sa kanya at gusto magkaroon ng sariling oras sa pag-ta trabaho at kumita pa sa ibang oras.”

 “Noon nabanggit sa akin ni Amy na mayroon siyang kakilalang ibang lahi   na magagawan ng paraan na magkaroon ako ng Visa 18 na nabibili lamang, sa kaukulang halaga 600 KD. Hindi biro ang halagang iyon kung tutuusin, pero kahit  paano iyong konti  kong naipon at kinikita pa, magagawan ng paraan. Kaya naman, nakapag abot pa ako ng  300 KD bilang advance. “


“ Napag-desisyunan ko na makipag kita kay Amy sa padalahan ng pera, eksakto din naman ako magpapadala ng pera sa pamilya ko para makuha nila sa eksaktong oras LBC sa Pinas,  at iabot ang halagang nasabi na din.”

” Ang usapan namin ni Amy, pinaka matagal na ang one month upang mabigyan ako ng “bentang Visa” at iyon ay aking inasahan. Inaya na din niya ako mag-kape sa ‘di naman kalayuan at dun ko na din inabot ng pa-sikreto. At ng makalipas, sumunod na katapusan ng buwan ding iyon nabigay ko ang kalahating hinihingi.”

 “Akala ko sa loob ng one month, matatapos na agad ang lahat ng ito.  Nakapag-desisyon ako ng  pag-payag sa ganitong “binebentang Visa” dahil kapag nagkaroon ako nito, hindi ako matatali sa company at malaya akong makakapag trabaho dahil sarili ko ang Visa.”

“Noong una masipag pang mag reply sa facebook message ko si Amy, tinetext ko din siya at sumasagot naman. Pagkaraan ng 3 weeks, naiinip na ako. Sa tuwing tetext ko si Amy “sorry late reply” dahil busy daw siya. Kapag follow up ko ang Visa, sasabihin na sakto one month ibibigay niya sa akin.”

“ Ang one month / 4 weeks, nauwi sa 5 weeks, 6 weeks, 7 weeks, noon na ako nagduda dahil pati sa facebook, block na niya ako. Nagpalit na rin siya ng mobile number. Gustuhin ko man na magsumbong, kanino ako lalapit? Baka sa aking paghingi ng tulong ako naman ang magka problema sa mga pulis dahil wala akong maayos na papel.”

“ Kasalukuyan  ay napaso  na ang Visa ko, kakahintay sa kanila, umasa sa pangako. Resign na ako sa trabaho ko ilang buwan na at tapos na ang palugit na binigay nila na sobra na sa apat na buwan na din.”

“Ano po ba marapat na gawin dito sa ganitong sitwasyon ko po?”

Umaasa,

Myrna

Many residence and work permit violators in Kuwait  are taking chances with "Visa for Sale". This is one story from our Inbox.
Many residence and work permit violators in Kuwait are taking chances with “Visa for Sale”. This is one story from our Inbox.

Sagot ni Kabayan Editor:

“Kabayan Myrna, Magandang buhay sa iyo. Maraming salamat  sa pagtitiwalang binibigay mo. Bagama’t alam kong mahirap ang iyong pinagdadaanan, patago-tago ngunit kailangan maghanap buhay dahil may tinutustusan kang pamilya sa ‘Pinas. Kailangan kong sabihin sa iyo na mahirap makipag sapalaran sa “binebentang Visa”; ika nga nila, suntok sa buwan.

“May mga “tulay” sa nagbebenta ng Visa, minsan manloloko ang mga ito kahit sabihin pang kalahi natin. Ang habol lang nila ay yung porsiyento kada Visa na mabebenta o kada panloloko. Ang iba naman tumutulong ng tapat ngunit madalang lang ang mga ganito, at talagang kakilala na ng nag-aalok o kamag-anak mo mismo na ang tutulong sa iyo. Kadalasan ang pagbebenta ng Visa ay nangyayari sa paparating dito, iyong dito na inaayos ang lahat ng papeles, pero ito ay kakilalang pamilya lamang ang nag-aayos dito  at ang Visa na nakukuha nila na binabayaran ay  taong matagal na nilang kakila o pinagkakatiwalaan.

Kinakailangan pumasok tayo sa Article 6 of Kuwait Labor Law at magkaroon ng tinawag na “Work Contract”. Mula sa Pilipinas naman papunta dito sa Kuwait dapat na dumaan ito sa tinatawag na tamang proseso R.A. No. 8042 Laws affecting OFW.”

“Minsan kapag pinakilala ka sa mga ibang lahi  na magbebenta ng Visa sa iyo, maraming pwedeng mangyari. Kapag natipuhan ka, magpapahiwatig iyan na gusto ka niya o kaya ang masaklap – gawin ka nitong past time o sa ibang salita pagsamantalahan kahinaan mo o pagkababae mo, hanggang sa ‘di ka na makagalaw dito at aariin ka na nito at pag-gusto mo humiwalay dito ay gagawan ka lamang ng kaso nito masaklap pa ay may mga malala pa ditong mga pangyayari, ganito lamang kadali.”

“Kabayan, hindi rin tayo basta basta nagtitiwala dahil kapwa  nating Pinoy ang nag alok ng binebentang Visa. Dito sa Kuwait, marami tayong makikilalang tao ngunit kailangan marunong tayong kumilatis kung tapat ba siya o hindi, kung manloloko o hindi. Hindi din kahit kailan magiging sapat na magtiwala ka sa kahit  kanino na magpakita ito ng kabutihan kahit pa taon na ang dumaan, lalong wala kayong parehong pinanghahawakan na katibayan po, ibig sabihin walang pinirmahang papel, ito na siguro maituturing na pangalawa o pangatlong krimen ang maituturing ” Ang magtiwala sa kapwa natin”, hindi ko sa nilalahat pero isa ito sa mga dahilan ng maraming kabayan natin dito ang napapahamak, sa dami ko na din natanggap na problemang isinasungguni sa amin, kaya kilalanin maigi ito. An

“Ang ganiton sitwasyon ay mahirapan mailapit sa Shoon o Ministry, bakit kamo dahil wala kang mga pinirmahan dokumento o kontrata na maipapakita sa kanila, ang tangi pang hawak ng kompanya niyan ay paano ka kasuhan ng Absconding Case o Runaway.

“Iba pa rin kung may employer ka at dito ka mabi- Visa-han dahil may habol tayo sa ganitong paraan, lalo na Visa 18 tayo, pwede tayo dumaan sa tamang batas Sa ngayon, ipagdasal na lamang natin na sana sa iyong pag pa part time at pag-hanap ng trabaho, makatagpo ka ng mabuting lahing lokal  na handang tumulong sa iyo sa pamamagitan ng Visa sa legal na paraan, minsan nga ‘di pa maiwasan magka-problema sa naka Visa 18 ka na sa isang kumpanya, ano pa kaya ‘di ka dito legal na emplayado, maaring magawa mo lamang sa panahong ito ay makiusap sa dati mong amo na ma renew ka at makapag-hanap ng legal na mag-visa at samahan mo na din ng dasal. Patawad, ito lamang ang maaring mabigay mo sa mga taong nagkasala sa iyo at maging isang aral ito.

“Maraming tao ang tumutugon sa isang kabiguan sa isang paraan na nakapipinsala sa sarili,” sabi ng manunulat na si Morley Callaghan. “Binibigyang-daan nila ang pagkahabag-sa-sarili, sinisisi nila ang lahat, sila’y nagiging mapaghinanakit at . . . sumusuko.”

Nakalulungkot ito. “Nakalimutan natin,” ang banggit ni Pitts, “na may dahilan upang sumailalim sa pagsubok, may aral na makukuha sa kagipitan.” Anong aral iyon? Siya ay nagtapos: “Natututuhan [ng isa] na ang kabiguan ay hindi nakamamatay, ni walang-hanggan man ang pagkatalo. Nagiging malalim ang isa. Nagiging handa ang isa.” Ganito ang simpleng pagkakasabi ng Bibliya: “Sa bawat uri ng pagpapagal ay may kapakinabangan.” Kawikaan 14:23

Sumainyo lagi ang kapayapaan at pananalig, Maraming Salamat po.

 

 – Ang inyong nabasa ay para sa inyo maaring ‘di-kapani paniwala o walang katotohanan ngunit ngyari ito sa totoong buhay at ito ay tunay na liham sa amin.

Ang maniwala kayo po ay nasa inyo at kung may kaparehong pangalan ito sa parehong pagkakataon ay ‘di namin sinasadya.

Maraming Salamat at paki-bahagi ang mabuting balita.

 

 

 

 

Related posts

Leave a Comment