Health Information Tips 

Paano makakaiwas sa Food Poisoning?

Food PoisonNgayong tag init dito sa Kuwait, laganap ang mga kaso ng food poisoning sa mga clinics at hospitals. Umaabot sa halos 60% ang mga tinamaan ng food poisoning. Mga symptoms tulad ng pagsusuka, diarrhea, pananakit ng tyan at lagnat ay karaniwan nararamdaman ng mga pasyente.

Mainam na mailabas ang toxins at maagapan sa pamamagitan ng IV / dextrose at mga gamot upang maiwasan ang dehydration ng pasyente.

Kabayan, may ilang mahahalagang mga paalala upang maiwasan ang food poisoning lalo na ngayong tag-init;

Bumili lamang na tamang karne, isda, gulay at prutas upang walang mabulok at masayang. Lutuin ng mabuti ang pagkain bago ihanda sa hapag kainan. Pagkatapos kumain, maaring initin muli ang ulam at hayaang lumamig sa lugar na hindi tatamaan ng sikat ng araw. Pag lumamig na ito, maaring ilagay sa refrigerator. Initin na lamang ito sa susunod na oras ng pagkain.

Siguraduhin na sariwa ang binibiling karne, isda, gulay at prutas upang mainam itong sa katawan. Kahit may gamit tayong kutsara at tinidor sa pagkain, mas mabuti na maghugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain. Iwas mikrobyo, iwas sakit. Kung wala rin namang mahalagang gagawin sa labas ng flat, mas makabubuti na magpahinga ta manatili sa loob at sadyang napaka init ng panahon sa ngayon.

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: