Namayapa, King Abdullah ng Saudi Arabia

King Abdullah ng Kingdom of Saudi Arabia
King Abdullah ng Kingdom of Saudi Arabia

Pumanaw sa umaga ng January 23, 2015, si King Abdullah ng Saudi Arabia sa edad na 90. Lumuklok sa trono si King Abdullah noong 2005. Ayon sa Islam inilibing kahapon din si King Abdullah sa pamamagitan ng pagbalot sa kanyang labi sa telang katsa at walang anumang palamuti ang kanyang puntod. Muslim din lamang ang mga nagsipagdalo tulad ng Turkey President Tayyip Erdogan at mga Royal leaders ng Bahrain, Kuwait at Qatar.

Ngayong araw, dumating ang Foreign Minister ng Iran na si Mohammad Javad Zafri bagama’t may namumuong tensiyon sa pagitan ng Iran at Saudi. Dumating din ang mga Presidente ng Gabon, Mauritania at Senegal.

Sa susunod na mga araw ay inaasahang dadating din sa Saudi Arabia sina President Barack Obama (USA), President Abdel-Fattah el-Sissi (Egypt), Crown Prince Naruhito (Japan), King Felipe VI (Spain), King Abdullah (Jordan), Crown Prince Frederik (Denmark), King Willem-Alexander (Netherlands), at Prince Charles (United Kingdom). Si Prince Moulay Rachid (Morocco) ay magbibigay galang kapalit ng kanyang kapatid na si King Mohammed VI.

Ang China at South Korea ay magpapadala din ng mga kinatawan upang bumisita sa mga Saudi Royals.

Ang hinirang na bagong hari ng Saudi ay si King Salman.

(Larawan mula sa arwambatimes)

 

Share this post

Leave a Reply