Kabayan Info News OFW Tips 

Mga Sagot sa ilang Katanungan ukol sa Kuwait ‘Crackdown’

Binigyang-linaw ni Consul General Atty Raul Dado ang ilan sa mga katanungan ng mga Kabayan natin sa bansang Kuwait tungkol sa patuloy na crackdown.

Panoorin ang kalakip na video upang malaman ang mga kasagutan ng mga sumusunod na katanungan:

  • Maaari ba ang mga binata o dalaga ay tumira sa iisang bahay kasama ang isang pamilya?
  • Sino-sino ang maaaring tumira kasama ang isang pamilya?
  • Sino-sino ang maaaring magkakasama sa isang tirahan?
  • Ano ang dapat gawin kung ang visa ay nag expire na?
  • Kung natatakot, ano ang dapat gawin? Ano ang dapat katakutan?
  • Kung sakaling nahuli, ano ang dapat gawin at isaalang-alang? Ikaw ba ay bibigyan ng sapat na oras para magdala ng personal na gamit?
  • Ano ang maaaring gawin sa mga anak ng mga magulang na walang visa?
  • Sa pagmamaneho, anu-ano ang dapat na isaalang-alang at iwasan?
  • Anu-ano ang mga papeles na dapat dalahin kung lalabas ng bahay?
  • Paano nakikita ng mga awtoridades ang mga impormasyon ng isang tao? Bago hulihin, kami ba ay bibigyan ng advice tungkol sa rason ng aming pagkakahuli? May karapatan po ba magtanong bago matiwasay na sumama?
  • Paano mabibigyan ng passport o visa ang taong may mga papeles na expired na?
  • Ano ang pinaka mahusay na paraan sa pag-exit sa bansang Kuwait?
  • Sa mga Kabayan na nagnanais na tumakas at magtago sa POLO, ito ba ay pinapayagan? Sinu-sino lang ba ang maaaring tumira sa POLO-OWWA Center?

Kung kayo po ay may mga katanungan na nais linawin at iparating sa ating Embahada at POLO/OWWA sa bansang Kuwait, maaaring bumisita lang po kanilang FaceBook Page o kaya sa link na ‘to – Kabayan in Kuwait para sa mga numerong pwedeng tawagan.

Related posts

Leave a Comment