Kuwait Info 

Mga kabayan in Kuwait eksayted sa bagong disenyo ng pera

KUWAIT- Kamakailan lang ay inilabas na ng Central Bank of Kuwait ang mga bagong disenyo ng Kuwaiti Dinar.

Ang mga disenyong ito ay ginawa ng kilalang kompanya galing United Kingdom, ang De La Rue. Ang nasabing kompanya ay kilala dahil sa makabagong teknolohiya sa pag-imprinta at mga de-kalidad na papel na ginagamit nila sa paggawa ng pera. Mahigit isang daan na mga bansa ang nagpagawa ng mga disenyo ng pera sa kanila.

Ang mga bagong Kuwaiti Dinar ay gawa sa plastic polymer kung kaya ito ay inaasahang maging mas matibay at hindi madaling mapunit.

Maliban sa pagiging mas matibay, mas magaganda rin ang mga bagong disensyo ng mga perang ito. Iba-iba ang laki ng mga perang ito at ang may pinaka-malaking halaga ay KD20.

Marami naman sa mga kabayan in Kuwait ang nagtatanong kung bakit walang KD50. Para sa kanila at sa iba pang mga mamamayan sa estado, mas makakabuti sana kung magkakaroon ng mas malaking pera kagaya sa ibang mga bansa.

Ikinatuwa din ng marami ang paglalagay ng imahe ng hawksbill turtle sa KD1/2. Ang uri ng pagong na ito ay isa sa mga nanganganib na maubos na mga hayop sa Kuwait, dahil sa kakulangan ng pangangalaga dito. Umaasa ang mga tao na makakatulong ito sa pagpre-preserba sa naturang klase ng hayop sa pamamagitan ng pagsisilbing paalaala sa mga tao sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang mga likas na yaman.

Inaasahang sa susunod na mga buwan ay ilalabas na ang mga pera.

Ito ang opisyal na mga larawan ng mga bagong pera ng Kuwait.

english-kuwait-bill-quarter-kd

english-kuwait-bill-half-kd

english-kuwait-bill-one-kd

english-kuwait-bill-5-kd

english-kuwait-bill-10-kd

english-kuwait-bill-20-kd

Related posts

Leave a Comment