Masustansiyang Chop Suey

Kabayan, kain tayo ng Chop Suey!
Kabayan, kain tayo ng Chop Suey!

Ayon sa mga food historians, ang kilalang Chop Suey ay nag umpisa sa United States of America (USA) dala ng mga immigrant mula sa Canton, China. Bihasa ang mga Chinese sa halo halong gulay (mixed vegetables) at dahil mataba ang lupa sa California, madaling tamnan ng iba’t ibang uri ng gulay. Ito ay noong kalagitnaan ng 1800’s.

Unang ginagamit ang bean sprouts, celery, onions, bamboo shoots at chicken gizzard (balun-balunan) at chicken liver (atay). Noong  1920’s nagsimulang kumalat sa iba’t ibang lugar sa USA ang pagluluto ng Chop Suey.

Dalawang uri ng Chop Suey ang kadalasan niluluto; Pork Chop Suey – beef pork, soy sauce, salt, cornstarch, oyster, broccoli, mushrooms, green pepper, stalks celery, onion, snow peas.

Chicken Chop Suey – chicken meat, salt, egg white, corn flour, garlic, fresh ginger root, onions, bean sprouts, green pepper, soy sauce, rice wine, sesame oil.

Pinoy Chop Suey – cabbage (repolyo), carrots, celery, shrimps or pork or chicken.

Masustansiya ang Chop Suey dahil sa dami ng gulay nito. Mayaman sa Vitamin A and C, vitamin B1, B2, B6, calcium,folic acid, potassium, iodine, copper, manganese and zinc. Masagana rin ito sa fiber na nakakatulong sa ating katawan.

 

 

Share this post

Leave a Reply