Mabuhay, Papa Francisco!

Isang mabuting katangian na nakikita kay Papa Francisco (Pope Francis) ay ang pagmamahal niya sa mga bata.
Isang mabuting katangian na nakikita kay Papa Francisco (Pope Francis) ay ang pagmamahal niya sa mga bata.

Naghahanda ang mga kabayan natin sa Pilipinas sa pagdating ng mahal na Santo Papa Francisco (Pope Francis) bukas, January 15, 2015.

Si Pope Francis ay ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio sa Buenos Aires, Argentina noong December 17, 1936. Ang kanyang pamilya ay Italian immigrants. Marami sa mga taong nakasalamuha niya mula ng siya ay pari pa lamang sa Buenos Aires ay sadyang napaka simpleng tao daw nito.

Nahalal siyang Santo Papa noong March 13, 2013 sa Vatican City. Pinili niya ang pangalan Pope Francis bilang pagbibigay galang kay Saint Francis of Assisi, na kilala bilang kaibigan ng mga bata, mapagmahal sa mga animals at nagtataguyod ng simple at payak na pamumuhay.

Sa panunungkulan ni Pope Francis bilang Santo Papa at pinuno ng SImbahang Katoliko, madami siyang mga issue na kinaharap at buong tapat niyang sinagot. Isa na rito ang tungkol sa mga unwed mothers o dalagang mga ina.

Para kay Pope Francis, isang biyaya na itinuloy ng isang ina babae ang kanyang pagdadalang tao kahit ito ay hindi maikasal dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Hindi sang ayon si Pope Francis na hindi binyagan ang isang sanggol na mula sa dalagang ina. Bagama’t nais pa rin ni Pope Francis na ang mga dalaga ay maikasal sa kanilang mga boyfriends.

Sa pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas, nawa’y mabiyayaan ang lahat ng mga kabayan at matuto sa “Mercy and Compassion” na tema sa selebrasyon mula January 15 hanggang January 19, 2015.

 

 

 

Share this post

Leave a Reply