Kabayan Info News OFW Philippines 

LIBRENG KURSO MULA SA TESDA ONLINE, saan ka man naroon!

Nabalitaan mo na  ba na maari ka nang mag-aral ng libre online sa pamamagitan ng TESDA?

Paano? Madali lang! Kailangan mo lang magrehistro gamit ang kahit anong kwalipikado o valid email address at maari ka nang mag-aral online.  Maari mo ding kumpletuhin ang mga itinakdang pagsusulit o tests sa kahit saang TESDA na malapit sa inyo. Kapag nakumpleto ang buong kurso, ikaw ay makakatanggap ng CERTFICATE OF COMPLETION mula sa TESDA. Kaya’t wag nang mag-atubili, subukan mo na!

TESDA Online ProgramPara irekomenda ito sa iyong mga kamag-anak, kaibigan o kung sino man i-share nyo lang ang mga impormasyong ito sa inyong social media accounts.

Para magparegister o magparehistro pumunta lang sa: http://e-tesda.gov.ph/login/signup.php

TOP

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Para saan nga ba ang TESDA ONLINE PROGRAM (TOP)?

Ang adhikain ng TOP ay maihatid sa mga Pilipino ang Edukasyong Teknikal (Technical Education) gamit ang internet technology. Ito ay nag dudulot ng mas epektibo at episyenteng paraan para maipahatid ang edukasyong teknikal at serbisyo sa paghuhuni ng kakayanan sa nakararami sa maliit na halaga para sa nakakarami.

Ang programang ito ay ginawa o binuo para sa mga estudyante, mga kabatang hindi na nakakapag aral, mga may edad na walang trabaho, mga manual laborers, propesyonal at mga OFW na nag nanais na kumuha ng mga kurso mula sa TESDA sa sarili nilang oras, bilis at sa loob ng kanilang mga tahanan sa kanilang sariling mga Desktop o Laptop Computers.

Sa madaling salita para sa lahat ng mga PILIPINO!

 

Paano ba mag-enroll sa TOP?

Madali lang. Kinakailangan lang na mag-parehistro o magregister dito –> http://e-tesda.gov.ph/login/signup.php gamit ang bagong account. Gamitin ang inyong kumpletong pangalan at Email Address. Mahalaga ding gumamit ng kwalipikado o valid Email Address dahil gagamitin ito sa pagberipika o pag-verify ng inyong account.

 

TOP Account

 

 

 

 

Para sa karagdagang mga detalye mag tungo lang sa website na ito:

www.e-tesda.gov.ph

Ano ba ang mga kursong mayroon sa TOP?

Information Technology             

Basic Computer Operation         

Intel Easy Steps (Facebook App)

Computer Hardware Servicing 

Module 1 – Installing Computer Systems and Networks

Module 2 – Configuring Computer Systems and Networks

Module 3 – Diagnosing and Troubleshooting Computer Systems

Module 4 – Maintaining Computer Systems and Networks

Game Programming NC III          

Module 1-Designing Program Logic

Module 2-Applying object-oriented program language skills

Module 3-Apply programming skills for in-game application

Web Development using HTML5 and CSS3         

Web Development Using HTML 5

 

Tourism              

Food and Beverage Servicing    

Waiter Servicing             

Module1: Introduction to Food and Beverage Service

Module2: Types of Food Service

Module3: Preparing Dining Room for Service

Module4: Welcoming Guest

Module5: Presenting Menu and Taking Orders

Module6: Serving and Clearing Food and Beverage Orders

Module7: Presenting Bills and Bidding Goodbyes

Room Attendant Servicing         

Module 1: Introduction to Room Service

Module 2: Taking Guest Orders through telephone

Module 3: Assembling Guest Orders

Module 4: Delivering Guest Orders

Module 5: Cleaning up Room Orders

Bus Boy Servicing           

Module1: Food and Beverage Service

Module2: Identification of Dining Tools and Equipments

Module3: Proper Way of Clearing/Bussing out Soiled Dishes

Module4: 5S of Good Housekeeping

 

Housekeeping  

Guest Room Attendant Servicing            

Module 1: Getting Ready for Work

Module 2: Preparing the Housekeeping Cart

Module 3: Entering the Room

Module 4: Stripping Beddings

Module 5: Making the bed

Module 6: Cleaning the Floor and Furniture

Module 7: Replenishing Room Amenities

Module 8: Cleaning the Bathroom

Module 9: Housekeeping Quality Checks

Valet Servicing

Module 1: Valet Servicing

                Public Area Attendant Servicing              

Module 1: Basic Cleaning Procedures

Module 2: Front of the House

Module 3: Back of the House

Module 4: Handling Chemicals

Laundry Servicing           

Perform Laundry Service

 

Electronics         

Cellphone Servicing      

Module 1 – The Cellular Phone Technician

Module 2 – How the Cellular Phone Works

Module 3 – Basic Electronics

Module 4 – Performing Diagnostic and Repair

 

Agriculture        

                Fruit Grower     

Module 1: Preparing the site for planting fruit tree

Module 2: Growing Fruit Seedling

 

Automotive       

Diesel Engine Tune Up 

The Diesel Engine

Set and Install Injection Pump to Engine

Inspect Injection Timing

Bleeding Injection System Components

 

Heating, Ventilation and Air Condition               

Packaged Air Conditioner Unit Servicing             

Packaged Air Conditioner Unit Installation and Maintenance

 

Trainers Methodology 

Curriculum Development           

Curriculum Developer

 

Pwede po ba kumuha ng maraming kurso?

Yes, pwedeng mag-enroll sa ilang kurso, seguraduhin lang na sa FACE to FACE or Actual na Exam ay maipapasa ang lahat ng mga ito para mabigyan kayo ng Certificate. Suhestiyon ko magfocus sa isa o dalawang kurso na gusto ninyo para hindi magiging magulo. Pero kung kaya po, gora po kahit maraming kurso.

Hanggang kailan dapat matapos?

Wala pong araw o buwan, nasa sa inyo po kung kailan kayo handa o tapos na at handa na para magtake ng EXAM o Assessment for National Certification. Para sa mga OFW pwedeng sa inyong pagbakasyon, magtake kayo ng exam, o sa mga nasa Pilipinas, pwede sa pinakamalapit sa inyong lugar na sangay ng TESDA.

May bayad ba ang mag-aral ONLINE SA TESDA?

Libre po ang pag-aaral at depende kung anong araw, oras kayo pwedeng mag-aral.

May ibinibigay bang CERTIFICATE PAGKATAPOS NG ONLINE NA KURSO?

Wala pero pagkatapos mo mag-aral online, at kung ikaw ay ready na, o kung ikaw ay OFW at pabakasyon, pwede kang magtake ng FACE to FACE Assessment o National Certification sa alinmang mga TESDA Assessment Centers o Venue na malapit sa inyong lugar para mabigyan ka ng CERTIFICATE.

 

Kung nais nyong makipag ugnayan sa TESDA ito ang kanilang impormasyon:

mail: etesdapmo@tesda.gov.ph

Tel. No. : +63-2-8938297

 

Pinagmulan: www.jbsolis.com

 

Related posts

5 Thoughts to “LIBRENG KURSO MULA SA TESDA ONLINE, saan ka man naroon!”

  1. Gusto ko sana kumuha ng cellphone technician at aircon technician

  2. Gusto ko sana kumuha ng graphics design

  3. LUCY

    SANA MAGKAROON NG MEDICAL TRANSCRIPTION

  4. GUSTO KUNG MAG ARAL NG IT COMPUTER

Leave a Reply

%d bloggers like this: