Letter from OFWs in Kuwait to President Rodrigo Duterte

OPEN LETTER TO PRESIDENT RODRIGO DUTERTE  Photo credit to owner

Para sa mahal namin na Pangulong Duterte; 

Kami mga OFW dito sa Kuwait ay nanawagan para sa inyong atensyon na sana po ay pahintulutan na makapag-patuloy ng trabaho dito sa Kuwait at alisin na ang OFW Deployment Ban, lalo na sa “Skilled Workers.”

Kasama ng mga nagpahayag dito ay mga tunay na kalagayan sa  Kuwait na mga kabayayan na nasa maayos at masasabing may maayos na posisyon.

Bilang Presidente ng Pilipinas alam po namin na ang aming kapakanan at sekuridad bilang Pilipinong mamayan na nangingibang bansa, laking pasalamat po namin sa tulad ninyong Pangulo na may ganitong malasakit, ganun pa man kami ay humiling na sana ay mabigyan pansin itong aming kahilingan na sana ay maging maayos na ang lahat para sa kapakanan ng nakararami na dito ay nag-tatrabaho ng mahusay.

Nawa ay patnubayan po kayo ng Dakilang Ama sa inyong mga desisyon at ma-consider po ninyo ang aming posisyon na ito.

God bless.

Kabayan in Kuwait

 

***Sa lahat po ng kababayan natin dito sa Kuwait paki lamang sulat sa comment ang inyong mensahe sa mahal nating Pangulo bakit nating nais na maalis ang ban o matigil na ito lalo na sa mga skilled workers, lahat ng ating pagpapahayag dito ay ipaparating sa opisina ni Pangulong Duterte bago mag February 20, 2018.

 

Panoorin ang panawagan ng mga kabayan dito sa Kuwait  bit.ly/PhilippineEmbassyMeetingFEB13

Share this post

30 thoughts on “Letter from OFWs in Kuwait to President Rodrigo Duterte

  1. Para sa akin po ituloy ang ban …kayong nasa labas nagtatrabaho wala kayong alam sa mga pinagdadaanan namin dito …kulang sa tulog kulang ang sahod kmi pa bumibili ng mga prsonal na pangangailang namin na dapat sila kasi nasa kontrata…kming mga katulong nagkikitakita kmi tuwing huwebes at biyernes sa bahay ng mga mgulng ng ama namin at may mga ibang katulong na ginugutom kulng ang sahod wala pa doon yung mga pananakit sa ibang pinay dito ibang bahay …api kmi pero kinakaya namin …kung merong mabait konti lng kagaya ng amo ko pero nakiisa ako sa Pangulo at sa kapwa ko Pilipino dahil mas lalong bababa ang tingin nila sa atin .Mahirap man bansa natin sana magkaisa tayu para suportahan ang desisyon ng pangulo dahil hindi lamang ito para sà iisang tao kundi sa karamihan. Kaya thankful ako na ganito ang desisyon ni Pres Duterte . Salamat po sa malakas na paninindigan para sa bayan kaya plz lng huwag niyong pabalikin nA dito ang mga nagbakasyon para ipakita natin na di tayu takot mawalan ng trabahu at nagkakaisa tayu . Di nyo ba nakita na apektado sila masyado? Pero di sila bababa ng pride nila para sa atin dahil haywan ang tawah nila sa atin…kaya bigyan natin ng respeto sarili natin ipakita natin na ang Pilipino ay may isang salita at may dignidad …

    Reply
    1. Ate kaya nga ihiwalay ang ban sa kagaya mo na katulong sa skilled worker kc nsa inyu sa ang problema mga katulong…ang tulad mo ang iban ndi mga skilled naonawaan muba.

      Reply
  2. Mahal na Pangulo,

    Ako po ay isa sa natutuwa sa inyong ipinapakitang pagmamahal sa aming mga OFW
    Lubos po akong ngpapasalamat sa inyong napakabuting hangarin.
    Ngunit sa kabila po nito bilang isang skilled worker ay naaapektuhan din po kmi sa mga pangyayaring nagaganap.
    Una po sana po ay inyong payagan ang aming mga katulad na skilled lalo na ang mga first timer dahil ito po ang unang hakbang ng kanilang pangarap na alam naman namin na maganda ang kanilang magiging stado dito sa bansang kuwait
    Malaki po ang pinagkaiba ng skilled sa DH.
    Makasisigurado po kayo na sila ay may buhay na malaya. Hindi ko sinasabi na ang DH ay kabaliktaran pero may ilan din po na mababait na amo ang knilang mahahanap dito.
    Maari naman po silang i check monthly at nasa agency din po ang kasagutan sa kanilang kaligtasan.
    Sana po ay inyong suportahan ang aming kahilingan na magkaroon ng chances ang mga bagong skilled na madedeploy dito dahil sa karamihan po ng skilled ay mga kamag anak din namin na alam namin na mabuti ang kalalagyan na kompanya.
    Lubos po akong nagpapasalamat at kmi ay napagbigyan ang aming kahilingan na makabalik sa panahon na kami ay magbabaksyon.
    Napawi nyo po ang aming mga takot sa exemption na inyong pinahintulutan.

    Sana po ay muli nyo kaming pakinggan sa pakiusap na ito. Dahil isa rin po ako sa nangangarap na mapapunta dito ang mga kamag anak ko para makapag trabaho ng kung anong klaseng opurtunidad ang meron kmi.

    Sa totoo lang po dito ko nahanap ang magandang karera na na unti unting nkapagpabago sa buhay namin.
    Hindi naman po lingid sa kaalaman namin na maraming bansa ang may gusto sa pinoy pero kung dito na po kami nkapag umpisa at nakahanap ng magtitiwala sa amin
    Dibat nakakaproud po at dala namin ang bansa.
    Masarap din po siguro mamuhay at magtrabaho na kahit papaano pag uwi namin ay may kamag anak kami n kasama at natulungan maka punta rin dito.

    Lubos po kming umaasa na sana ay inyong mapagbigyan sampu ng mga katulad kong skilled worker.

    Maraming salamat po.
    Mabuhay po kayo.

    Reply
  3. Sana LNG po yung 1st timer LNG dh at yung mag apply ng skilled worker na galing na sa dto Sa Kuwait okay LNG.yung dating ngwork na DH na gusto mgapply ng 18visa kc my amo na dto bblikn

    Reply
  4. Sana payagan ni pangulong tatay digong na okay ang mgapply ng pra sa skilled worker any taking na dito as Kuwait..na DH.kc my magiging among napu at my mgvivisa

    Reply
  5. Dear loving Tatay Digong!

    Alam namin ang pagmamahal mo sa mga Filipino at sa aming mga OFW! Nagpapasalamat ako sa panginoon na binigyan Kami ng pangulo na ka tulad mo! Hindi ko po nais labagin ang inyong batas na ipinatupad ngunit poh nais ko Lang poh na bigyan Nya ng kalayaan ang mga skilled workers na maayus naman ang lagay dito sa kuwait! Nais ko Lang po ipabatig sa inyo na karamihan ng mga naabuso na OFW ay katulong Sila po yung mga tao na Hindi nabigyan ng Kaya para maka hinga ng maluwag sa labas o Hindi nabigyan ng off! Sila po ung mga taong pinabayaan ng kanilang mga agencies at pati na rin ng ating imbahada! Marami na poh kaming karanasan na bawat tawag namin sa embassy Kung walang sasagot ay lagi pong busy ang linya! Wala po sa mga employer at Kuwaiti ang problema nasa mga agencies at embassy na nagpabaya sa kanila! Hindi po binigyan ng solid na batas ng agency ang contract ng katulong Kaya po pag dating sa bahay ng employer Sila na na susunod sa contract! Dahil pag nakuha na ng agency ang bayad ng employer wala na silang paki alam sa katulong! Hindi po lahat ng Kuwaiti ay masama tulad nating mga Filipino May masama na tulad Nila Laila delima at Trilliones at May mabuti na tulad po ng aming President!
    13 years na po ako at nakita ko kung ganu kabait ang ibang Kuwaiti Sobra poh! Meron po iba na stricto pero hindi namsn maalis un kahit sa Pinoy marami rin! Pero napapansin ko Lang po dito mas superior ang ibang arabs country sa mga Kuwaiti ang ibang arab parang Kuwaiti umasta! Kaya sinasabi ko mabait ang ibang Kuwaiti! At Hindi lahat ng nasasangkot sa pag aabuso sa katulong ay Kuwaiti ito ngang huli ay Syrian ay Lebanese Kaya po Bakit din Sila akusahan sa Kaso na iyon!
    Bilib na bilib ang mga kaibigan ko na Kuwaiti sa inyo dear president ngunit dahil sa nagyari nalungkot Sila sa pananaw nila ?
    I hope maayus na ang alitan ng ating bansa sa kanila Hindi natin kailangan ng kaaway!
    Umaasa pa rin kami na maayos lahat at mabibigyan ng sapat na hustisya ang mga naabuso! Ngunit hinihing ko rin po na bigyan nyo ng bakal na kamay ang mga agencies na kumukuha sa mga Filipino dito at ang embassy na dapat gumagabay sa amin dito! Ngunit lahat Sila natutulog sa kangkungan kundi man nagpapa laki ng tyan at pwet! Nais namin ng atensyon! Hindi ung malalaman Lang ng embassy Kung patay na ung OFW dahil Hindi pala naka registro sa kanila!
    Trabaho po ba Nila un diba ang gabayan kami dito kahit ganu pa kami karami!
    Salamat poh mahal na pangulo!
    Umaasa po kami na magbabakasyon ng maayus na at malinis na ang bansa nating Pilipinas at babalik sa kuwait ng mapayapa dahil pangalawa na po naming Tahanan ang kuwait ??!!!

    Nagmamahal,
    OFW mary ❤️

    Reply
  6. Dear TATAY..
    Sang-ayon po ako sa pag.Ban ng mga Dh sa lugar na to (Kuwait)ninanais mn namin ito sa akalang ok ang lahat dto pero ngkakamali angbilan samin…halos wla kasing natutupad sa kontratang pinirmahan namin…totoong totoo po…problemang problema dto yong kulang sa kain,kulang sa pahinga pero overworked…at 1 po ako jan…tanging importante nalang sakin ay ang makakauwing buhay at ligtas kahit ang katawan koy sobrang napaliit.liit na dahil s atrabahonat kulang sa tulong…walang day.off na sana kahit di lumalabas dto lng sa loob at ipahinga boong araw ang boong katawan..pero wla ehhh..iba sila napakaliit ng turing nila dahil s akatuling lamang kami at binabayaran nila….maraming salamat Tay sa malasakit nyo saming mga OFW…#1 nyo po ako from Davao City…WE all love you tay…
    sarap sa pakiramdam na may TATAY kaming kagaya mo…PROUD na PROUD ako o kami sa IYO…Godbless TAY…

    Reply
  7. ANG GUSTO NYO ALISIN ANG DEPLOYMENT BAN NG PRESIDENTE?OR ANG GUSTO NYO ALISIN ANG DEPLOYMENT BAN PARA SA MGA SKILLED WORKER?
    KUNG NANINIWALA KAYO SA PANGULO HAHAYAAN NYO SYA SA DESISYON NYA.HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT NYO NASASABI NA MAAYOS ANG LAGAY NYO DITO SAMANTALANG ANG DAMING MGA KABABAYAN ANG NALALAGAY SA ALANGANIN DITO..

    Reply
  8. Ang gusto ko lang ang e stop na yun deployment ng mga katulong. Simola 1982 pa yan problema ng mga katulong hanggat ngayun. Noon panahon na suspen/banned na yan. Hindi ko alam kong bakit binuksan ulit. Kong sana straight away stop na yan noon pa wala na sanang na abuso pa. 36 years na ako sa Kuwait hindi ako na abuso ng amo, Mula pa noon sa labas na ako nag work. Ang problema ko hindi pa ulit tinaasan ni boss yun sahod ko. Sana lang tuloy yun trabaho ko rito kase marami akong bayaran sa hulugaan sa bahay 6 yrs to pay pa, isang taon na lang matapos yun nag iisa kong anak. Hanggat maari dito lang muna ako hanggat matapos kong
    mabayaran yun mga hulugaan ko….Sana President maintindihan mo ako…I Love you Tatay..

    Reply
  9. To My beloved President ,

    Ako po ay isa sa sumusuporta sa iyong gobyerno.Isa akong skilled OFW sa Kuwait,12 years na pong nag tratrabaho.

    Ako po ay natutuwa na binibigyan mo ng pansin ang mga problema naming mga OFW.

    Itong aking sasabihin ay sanay mag bigay ng kunting impomasyon at baka sakaling mag bigay tulong sa inyong desisiyon.

    Sa tagal ko pong nag tratrabaho dito, nasaksihan ko na marami ang mga DH dito ang hindi pinapalad o kaya naman hindi masaya sa mga amo.Iba iba po kasi ang ugali ng arabo.May amo na nananakit,may amo na madamot sa pagkain,may amo na mabait pero di nag papasahod ng tama, asawa ng lalaki na selosa o kaya may mga anak na suwail.Ang iba naman ay talagang mabait na ituturing kang myembro ng pamilya.

    Isa pa pong problema ay trato sa kanila ng ibang mga agency dito.Yung iba ay kinukuha ang celpon.O kaya ay hindi pinapakinggan ang kanilang reklamo.

    Isa pa pong problema ay ang Embassy.mahina ang tugon sa mga reklamo.Minsan walang sumasagot sa number nila.malamang busy rin sila o kaya maaaring hindi sapat ang empleyado para tugunan ang problema o kaya naman sadyang tutulog tulog lang.

    Kami naman pong mga skilled worker o visa 18 ( sales lady, waitress,cook, engineer,welder,nurse,manager etc) ay karamihan maganda naman ang kalagayan dahin 1.karamihan sa amin ay mga expat din ang nakakasalamuha o ang mga amo.hindi derekta sa mga kuwaiti ,kaya malayo ang chance ng maltreatment.2.protektado ng ministry of labor na tumutulong din na hindi katulad ng nag tratrabaho sa bahay.3.Kumpanya na may mga panuntunang sinusunod.

    Kami po ay hindi mahirap pakiusapan kung hilingin sa amin na umuwi na kung may concretong tugon sa aming pangangailangan bilang padre de pamilya.1.meron bang sapat sa aming lahat na trabaho jan sa pinas sakaling kami ay umuwi?2. Sapat ba ang aming sahod para matugunan ang bawat kanikanilang pangangailangan,tulad ng mag paaral ng mga anak,mag pagamot ng may cancer na myembro ng pamilya, bayaran ang mga dapat babayaran.Aminin po natin karamihan jan sa pinas ang sahod ay hindi sapat para mag karoon ka ng sariling bahay o lupa.Marami din dito ang matanda na na mahihirapan mag hanap ng trabaho jan sa pinas,Merong mababa lang ang pinag aralan ngunit kumikita ng malaki sa dami ng uportunidad dito sa kuwait. At marami pang iba pang sitwasyon o estado ng buhay na sa kasaluyan natutugunan ng kanikanilang trabaho dito sa kuwait.

    Sana po ay ituon ang sulosyon kung saan ang problema.ang problema po ay ang mga nag tratrabaho sa loob ng bahay na walang sapat na proteksyon.

    Maraming salamat po at mabuhay ang pilipinas!

    Reply
  10. Para sa akin po tuloy ang total deployment ban..kc kung sa dh lang ang ban gagawing skilled workers ung first time n pupunta n first timer dto tas pagdating dto domestic..nngyari n sakin yan nuon buti nalng sinwerte aq dati..kya pra sakin tuloy sana makiisa tau hwag maging selfish kawawa nmn mga biktima nla..hayop tingin nla sa atin..pra matauhan din nmn cla..kht oa gaanu kabait may mga ugali tlga cla n.mga satanas…salamat sa malasakit Tatay Digong namin..ikaw lng ung may malasakit sa mga Ofw’s.God bless u always po.

    Reply
  11. Pede nmn i-ban lng ang visa 20 or household workers, ms mlamang kc ang pag aabusong pisikal at hindi pgbibigay ng tamang pasweldo sah mga ngtratrabaho sah bhay at tlaga nmn mhirap ang klagayan laluna at sah bhay ang trabaho. Hindi gya ng visa 18 or skilled workers nah malayang nkakapgsumbong kng skali mn may manakit o hindi mn ibigay ang tamang pasweldo ay nkakagawa agad ng aksyon…NO TO BAN FOR SKILLED WORKERS…Salamat Po!!!

    Reply
  12. Dating katulong ng prinsesa ng kuwait 2 dekada na ang nakaraan · Edit

    Bigyan ng authority lahat ng filipino community organizations na irescue ang mga namamaltrato ng sa gayon ay wala silang agam agam na lumapit sa mga pulis na hihingi ng tulong o puntahan sa bahay mismo ng mga amo.sa dami ng kasong maltrato sa mga katulong hindi po mabigyan pansin lahat ng embassy.

    Huwag bigyan ng katulong ang mga kuwaiting nakatira sa al naeem at al naseem at al zour.dahil ito ay nasa pinakagitna ng disyerto at mahirap hanapin ang lugar lalo na gabi.marami po kasing kabayan na humihingi ng tulong doon.

    Day off isang araw kada linggo para sa mga katulong.alas nwebe o alas dyes ng gabi dapat pahinga na din nila.2 BUWANG SAHOD NA UMENTO KAPAG PANAHON NG BAKASYON NILA.
    Kapag panahon ng tag lamig dapat bigyan sila ng kasuotang panlamig dahil halos lahat inilalabas sila ng mga amo na walang jacket at silay nanginginig sa lamig sa labas.
    Pagkaing maayos at tulugan para sa kanila.

    FYI: IBABA ANG PRESYO NG MGA KATULONG.DAHIL SA NAPAKA MAHAL NILANG PRESYO MULA SA MGA AHENSYA MAGMULA SA 1200KD PATAAS SA 1500KD KAYA SILA PINAGTATRABAHO NG HUSTO DAHIL GUSTONG SULITIN NG MGA AMO ANG MAHAL NA PINAMBILI SA KANILA AT SILA AY INAARI NA PAG AARI NG MGA AMO SAMANTALANG ANG MGA AHENSYA AY NAKIKINABANG SA PERA NG MGA KAWAWANG KATULONG NA PINAMBAYAD NG MGA AMO SA KANILA AT SILA AY PATULOY NA YUMAYAMAN KAPALIT NG PAGHIHIRAP NG MGA KATULONG.20YRS AGO 300KD LANG PO ANG BILI SA KATULONG.DAHIL NOON AY MURA LAMANG KAYA ANG AMO AY KAYANG KUMUHA NG 2 O 3 KATULONG SA ISANG BAHAY PARA MAPAGAAN ANG TRABAHO NILA AT WALANG MAABUSO SA TRABAHO.

    Ang mga bahay na may record na nang pagmamaltrato ay huwag ng bigyan ng katulong.

    ISANG BATAS NA IPAGBAWAL NA HUWAG PAGLINISIN NG MGA SASAKYAN ANG MGA KATULONG.HINDI NILA TRABAHO ANG MAG CARWASH.DITO NYO LANG MAKIKITA ANG KATULONG NA NASA TAAS NG SASAKYAN NA KINUKOSKOS ANG BUBONG NG SASAKYAN HABANG NAKABANTAY ANG AMO.MAPAPAMURA KA SA GALIT KAPAG MAY NAKIKITA KANG GANON PUTANG INA!

    ANG MGA KAWAWANG KABABAYANG KATULONG AY MAY MALAKING AMBAG PARA SA BANSA SAMANTALANG MGA MEMBRO NG MGA LINTIK NA MGA KADAMAY NA YAN AY BINIGYAN NG PANGULO NG MGA BAHAY.DAPAT ANG MGA OFW AY MABIGYAN DIN NG LIBRENG PABAHAY O MURANG PABAHAY PARA PANTAY!KAYA SILA NANGIBANG BANSA PARA MAGKAROON NG PAMBILI NG BAHAY AT MAAYOS NA PAMUMUHAY NG MGA PAMILYA NILA.HUWAG NYONG HINTAYIN NA ANG MGA OFW AY MAGRARALLY LABAN SA GOBYERNO KUNG PATULOY NYONG KINUKUNSINTI ANG MGA KADAMAY NA YAN.

    PERMANENT BAN OF HOUSEMAID IN KUWAIT IS NECESSARY.PARA SA KANILA ANG PILIPINO AY PANG KATULONG DAW PO LAMANG.TAYO AY ISANG ALILA PARA SA KANILA.

    salamat po kung mabigyang pansin nyo ang saloobin ko.

    Reply
    1. Marivic Alciso Tajale · Edit

      With all due respect, sang ayun ako na.e TOTAL BAN nalang ang mga DH, Dahil sila ang laging nalalagay sa alanganing situation. Pero sana naman ay intindihin din ang kapakanan ng mga skilled workers na mas madaling makakuha bg trabaho dito kay sa ibang bansa. Sana pag isipang mabuti. At take note dapat kung may ganung situasyung pang aabuso dapat talaga ay biggan ng aksyon mag tanda ay ma.realize ng mga arabo na titoo tau sa pakikipaglaban at hindi ang pag ban.ang solution, dapat sample.na.may maikulong o mabitay. At sana.hindi magaya sa mga nakaraang Administration na kapag may reklamo parang nadadala nalang sa usapan at bayaran.tatahimik nalang at biglang kinalimutan ang masamang nakaraan. (In short pati taga embassy noon.nadadala sa.bayaran).
      At kung sinu man ang naging biktima panindigan nyu na ang salaring amo.ay maparusahan, sa.paraang iyan.tiyak sila ay mag iingat na.
      Hindi.ung lahat e Total Ban, Practical na lang tau, kahit pa my supporta ang Government sa sinu mang umuwi pustahan tau wala pang isang buwan tyan na naman ay kumakalam. Paanu ang aming mga anak.na.nag aaral? At iba pang panganga ilangan. Ika nga bago tao mag disisyun.pag isipan naman natin ang kararatnan both sides.
      Sana iyung pakinggan mahal na Pangulo.

      At saludo kami sa iyong katapang at pagmamalasakit sa amin. Biyaya ka ng Panginoon sa aming may tiwala sa iyu.
      Salamat po.

      Reply
  13. Tuloy ang ban huwag naman magig selfish yung my mga mabuting amo or magandang trabaho…dapat magkaisa tayo…ako..maganda mabait amo namain 15yrsmahigit na yung mga kasama ko pero yes kami sa ban..kac ang dami ng mga pangyayararing ibat ibang abuso..na hindi alam ng nakakarami..sana isipin natin ng mabuti..hindi lng kuwait ang pwd nating pagtrabahuan

    Reply
    1. ituloy ang ban para malman nila qng gaano kahirap ang mawalan ng mga tapat na naninilbihan na mga pinoy dito sa bansan kuwait!!!! sila ang mawawalan nd tayong mga pinoy kasi kahit san tau isabak na bansa pumapasa tayo!!! bakit tayo magmamakaawa sa mga ibang arabong mamatay ng mga ofw!!! san ang mga kaluluwa nila sila ay mga demonyo animal walang puso at isip????? yes para sa ban!!!! kayong mga skilled workers proud kayo ksi nasa labas kayo eh kami mga nasa loob ano!!! kaya qng gusto nio magstay ng kuwait…goooo!!! wala man pumipigil sa inyo kahit dito na din kayo amagin pero qng may mangyari man sa inyo pero wag man sana wag na wag kayong hihingi ng tulong sa panguloà

      Reply
  14. Itutuloy Ang ban tatay tas isusunod mo yong mga satanas na nang rape at pumatay ng inosenting mga bata (2 years old) pa. Ibitay yan sila o death penalty. Isulong mo na yan tatay please lang dahil kabataan natin ang pag asa ng bayan.

    Reply
  15. Para sa akin hnd poh alisin ang Ban ituloy poh ito kc magmukha tayong katawatawa at lalong liliit ang tingin sa atin ng mga tagabd2vat sasabihing nasuhulan na naman ang Governo kaya inalis ang Ban…kc sabi ng anak ng amo ko d2 bigyan lang dw ng malaking salapi ang ating governo at aalisin na dw ang Ban. So ibig sabihin kung aalisin ang Ban ang nasa isip nila talagang nasuhulan ang Gov. Kaya inalais ang Ban. Kaya plzzzz Mahal namin na pangulo wag poh muna alisin ang ban para mabigyan sila ng leksyon d2..thanks

    Reply
  16. Mag three years ako sa amo ko ngayun..ok namn sila sakin talk kami sa bahay..wlang problema….. di talaga maayus mag work kapag bahay.kapapagod, wlang day off..wlang free..pero thumbs up po ako totally banned para sa mga ibang kabayan natin… totally banned gusto namin…100% .. decision namin at di selfish bahay work ko so alam namin ano ang sitwasyun…sa skilled workers na ayaw..please to understand..God always with us…nakabangon kaman sa kahirapan tulad din po kami sa ninyu na mag kakaroon ng magandang buhay sa para sa pamilya natin sa pinas….t
    From Kuwait kabayan 100% totally banned

    Reply
  17. Lea Rodriguez Cauilan · Edit

    Wag Na po mag ppasok ng Ofw dto sa Kuwait lalo Na mga D/h tloy ang ban mahal Na pangulo hngi po ak ng tlong sa inyo blik manggagawa ak dto sa Kuwait pag blik ko po nag iba ugali ng amo ko pti po sa food isng bsis nlang mag bgay plagi pa po pnagbibintangan ak khit d ko gnawa pls.po gsto kna umuwi nag paalam po ak d ak pnayagan

    Reply
  18. Total ban sang ayun ako at ng matauhan mga kuwaite at ibang karatig bansa sa pagmamalupit at sa gayun mabigyan din ng pansin ng mga kuwaite ang mga expat na employer sa pagmamaltrato sa katolong nila kasi damay ang bansa nila… kya agree ako for ofw ban..my salute and respect for our President Du30

    Reply
  19. Ituloy po ang ban sa mga first timer stop deploying to Kuwait npakahirap po do sa Kuwait ndi lhat ng amo ktulad sa amo ko mbait kdalaSan dto shaitan please stop deployed to Kuwait ?

    Reply
  20. Ituloy ang ban para sa mga HSW lng poh na mga firstimer at sana lahat ng agencies dito sa kuwait wag pababayaan ang mga kabayan natin lalo na pag dating ng 3 month binabaliwa na nila mga hinaing ng mga hsw na humihingi ng tulong pag my problema sa employers nila…sana masusunod lahat ng nakalagay sa contrata walang silbing contrata na pinipirmahan namin kng d man lng nasusunod ng mga employers..weekly day off..at dapat di nila hawak lahat ng documento namin..taasan ang sahod..8 hrs working di nasusunod swertehan n my 6 hrs ka na sleep kada araw..kng my day off ang mga hsw at dinpagbabawalan ng mobile walang magagawangaltrato kse agad agad makagawa ng actions..tru facebook at friends madali po mae share ng mga pangyayari.
    Karamihan dito walang mobile di man lng makakalabas ng bahay ng amo nila sila yung mga minamaltrato na walang makokontakan..swerti na pagdungaw mo sa bentana my makikita kang kabayan at makisuyoan mo adress mo at mabigyan ng action..

    Reply
  21. Dear..tatay digong
    Isa din akong ofw sa Kuwait nag tatrabaho ng mahaba habang taon din dito sa bansang Kuwait.. Ngunit para saakin po ay itoluy mopo ang ban kung kinakailangan for ever ban gawin mo po ito…masmakakabuti pa po ito .
    Unang una kung bakit sang ayun ako sa ban tatay digong.. Kc po mga egency kapag naibigay na nila kmi sa mga employer at matapos na nila kmi mapakinabang po wala na silang pakialam po at kung hihingi kapa ng tulong sermon or sapak matatamo mo LNG…..para sakin tatay digong matagal kona po pinangarap ang salitang ban sa Kuwait… Dahil sa mga sunod sunod na pag kamatay ng mga kababayan natin sa HND nila kasalanan ay HND nabibigyan ng hustisya …kht pinatay nila ng sadya sasabihin padin nag pakamatay mga Filipino ng sarili nila…..dito sa ibng bansa wala kng salitang tama na HND nagiging Mali or minamali kna LNG .wala kng laban wala kng mailalaban sa tama mo……

    Cguro tatay digong panahon na din para mabigyan ng katarungan ang mga namatay or pinatay nilang mga kababayan natin ng walang laban…cguro panahon na mabigyan ng hustisya mga inaapi sinasaktan nilang mga Filipinos na pinag silbihan nmn sila ng maayus…
    Alam kung marami pang mga Filipinos sinasaktan marami pang humihingi ng saklolo ngunit HND nila magawa lumantad dahil sa takot nila…kayat naman nakakabuti din itong pg ban mo sa mga Filipinos sa kwt dahil ito LNG ..ito LNG ang tanging gamot ng sugat ng puso ng lht…

    Saka tatay digong.. Kapag po HND mo itutuloy ang pg ban mo sa mga Filipinos workers dito sa kwt ..lalo pong mamimihasa ang mga tao dito at HND sila mabibigyan ng aral kung paano trumato ng tao sa tao…
    At sasabihin pa nila yan sayo na putak ka LNG ng putak wala ka sa gawa at dimo itinutuloy pg ban ..kaya tay digong panindigan mo po itong salitang ban alm Kong matapang ka at kya mo kmi ipinag laban dahil ayw mong nkikita kming mga ofw sinasaktan inaapi dipo ba ..kya hingin ko LNG tay ituloy mo po pg ban…para masabi nmn nila na iba ka ngang presidente ng pilipinas matapang at may malasakit….

    Tatay digong pg po HND matuloy pg ban ..
    Hahalakhak po yn ng malakas ang mga Kuwait at sasabihin nila yn tlga syo na wala ka sa gawa..at HND totio mga pg kasabi mo..kya go go tatay digong para munang awa..

    Isang malaking aral po ito sa bansang Kuwait or sa mga Kuwaiti ..ang matoto sila rumispito sa mga katulong nila na wag nila gawing hayup sa paningin nila at wag nilang gawing hayup mga maid nila kung umotos sila…sigw dito sigaw Duon..

    Uhaw at gutom..tira tira LNG sa iyong pg kain
    Lamig at init…ang ninipis at ikli ng kinukomot mo
    Sakit at hirap…sermon pa aabotin mo puntang hospital
    Kaya naman hirap mging mhirap. hirap mg tiis sa mondong impeyerno dahil LNG sa pera ..dahil LNG sa pera mawawalan ka ng buhay…at walang hustisya…

    Tatay digong ikaw pa LNG presidente na mkkagawa nito.. Mkkagamot ng problima ng mga Filipinos sa kwt ikw pa LNG kya I ban mona po..

    Tatay digong ..yung mga may mababait na mga employer ..yun LNG po pg bigyan mong umuwi bumalik kc alam nila na mabait amo nila…

    At yung mga gusto pumunta dito sa Kuwait mga bago..para munang awa po wag munang hahayaan papuntahin dito..kc karamihan tatay digong mga masasamang amo pg HND sila mkakakuha ng maid nila ..mg iiba iba yn sila ng mga pangalan para mkakuha LNG ng maid nila ..lalo na pg my egency nmn mukang pera kayang tapalan ng pera bigay LNG yn ng bigay ng maid basta pera na usapan..excuse LNG sa mga gud egency….

    Saka tatay digong hirap mging dh..khit tae pupunasan mopa …tapos yung sinasahud mopa HND mo LNG matitikman…tapos buhay pa kapalit lupit…

    Alam nyo tatay digong mahirap LNG ako kami…
    Walang naiipon sa kwt sa tagal ng sa abroad kc parang ako na tatay at nanay sumusuporta sa pamilya…
    Ganon pa man tatay digong.. HND ko pipiliin ang pera kysa sa buhay ko..kung ako pag papiliin kaya agree ako sa ban…

    Saka tatay digong ..pwd po bang pataasan Mona man ung sahud namin sa ibang bansa…
    At saka po tatay digong kht mataas na ung sahud mababa naman po yung rate ng pera….sana kht mababa ung sahud basta mataas nmn palitan…or mas mabuti po cguro din mataas sahud mataas din palitan po..

    Sana tatay digong may room kming mga ofw saan man sulok ng mondo na tgapag bantay namin kung kmzt kmi lht kung OK LNG kmi lht sana my mga bumibisita sa bahay ng mga employer namin na taohan mong inuutosan para safe kmi lht dipo ba..

    Tatay digong idol na idol po kita.. Tuwing napapanood kita sa mga newsfeeds ko tumutulo luha ko sa mga halong hahalong emotion subrang saya ko na my president kmi tulad mo po…I love po tatay digong naway ikw president naming habang buhay…

    Yun po wish ko tatay digong.. Itoloy ang ban..
    Yung mga matagal na sa amo nila yun LNG po pg bigyan mo mkabalik sa kanikanilang mga amo…

    Ban ..ay gamot ng hirap at sakit ..api at lupit .kamatayan ng buhay ….kaya medicine real is ban
    Bigay aral sa mga kwti ..

    Kung kailangan man natin ng perang dinar..
    Mas kailangan tayo ng perang dinar..

    Mga Kuwaiti kung walang Filipinos
    Bka babagsak….
    Kaya be proud to be Filipino..
    I love my country pilipinas..
    Mabuhay c tatay digong.. Mabuhay tayo lht…isang araw hahanap hanapin din nila mga Filipinos..na masisipg magagalang ..mga fulling smile ..mga palabiro ..mga sweet kasamahin…Kaya Godblz us Filipinos..

    Sanay tayo kumakain ng tamban..sa ating bansa kya wag mag alala…basta masipag ka LNG HND ka magugutom…

    Reply
  22. To our beloved President of the Philippines:Ako po ay sang-ayon na e total ban ang bandang Kuwait dahil nasaksihan ko po Kung paano mag trato ang mga employer, marami po ang Hindi sumusunod sa kontrata Kasi sabi nila papel lng daw yan, npakahirap na malayo sa pamilya tapus ganyn sila magtrato Ng employee, Hindi ko nmn sinasabi na lahat Ng employer ay masama, pero mostly Hindi magandang mag trato sa employee,dahil marami po ang humihingi Ng tulong sa group nmin na minamaltrato,para po sa akin kahit buong Middle East pa ang e ban okay po ako jan para Wala ng mag sakripisyo na mga Household worker.

    Reply
  23. Hello po mga kababayan diro sa kuwait. Ang hiling ko lng sana po ay bigyan din kmi ng benefits na mga kasambahay ns umabot n sa 10 years pataas. At un civil id nmin sna kmi ang hahawak di amo nmin pati po passport. At sana taasan din ang sahod nmin na matagal n sa mga amo. Slmat po sana mabigyan pansin ang aking kahilingan. Slmat po.

    Reply
  24. Good Day Po Mr. President! Sa opinion ko po. Highly skilled na lang na professionals ang dapat pumasok sa Kuwait like Engineers, Nurses and teachers. Yung mga profession na hindi ina api at mga Filipino na marunong ipaglaban ang karapatan. Registered Nurse po ako sa Pilipinas unfortunately nahulog nlang na naging katulong ako dahil sa maling tiwala sa recuiter ko. I have seen both situtions anyhow. Yung mga skilled po natin Mr. President ginagalang po sila dahil sa nga positions nila. Even Filipino nurses were mostly the head nurses sa mga hospitals. Pero yung nasa loob po ng bahay ( like me) kami po yung nakaka ranas ng matinding discrimanation. Kulang sa tulog, more than 12hours ang trabaho everyday walang day off or rest day mostly. Ang iba nagkaka high blood na sa sobrang pagud mag trabaho lalo na Ramadan. STOP SENDING FILIPINOS UNDER VISA 20 MR. PRESIDENT. I highly suggest this. Wag na pong magpadala ng katulong dito sa Kuwait. More Power Mr. PRESIDENT!! Proud to be Davaoeña po ako. Proud din po ako kayo President namin kaya sana mo consider my suggestion po.

    Reply

Leave a Reply