Information Kuwait Info News OFW 

Kuwait Civil Service Commission, maghihigpit sa mga expats

Para sa mga Kabayan na employed sa government sector, paki basa lamang po ito.
Para sa mga Kabayan na employed sa government sector, paki basa lamang po ito. (source: aymanmat)

Maraming mga expatriates (expats) / overseas workers (non-Kuwaiti) na nagtatrabaho sa Kuwait Civil Service Commission (CSC). Umaabot humigit kumulang sa 92,000 ang bilang ng mga expats na nagbibigay serbisyo sa Kuwait government sector.

Mahigit kumulang sa 3,000 na expat employees ng CSC ang lampas na sa age limit (over age) at pagkatapos ng kani kanilang contract ay hindi na ito mare renew. Naniniwala ang CSC na kakayanin ng mga Kuwaiti nationals na maging empleyado ng CSC at mabibigay din ng mga ito ang tamang sipag sa trabaho.

Sa mga expat employees na first time, maaari silang ma renew ng contract or hindi. Ngunit sa mga kasalukuyan naka second contract, hindi na ito ma re-renew. Ngunit ang mga doctors ay walang dapat ikabahala dahil hanggang kaya nilang magbigay serbisyo at patuloy na ma re-renew ang kanilang contract.

Isinasagawa ang hakbang na ito upang unti unting mabawasan ang mga expat employees at mapasok naman sa mga trabaho ang mga Kuwaiti nationals na graduate sa university at may angkop na talino at kakayahan.

 

 

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: