Philippines 

Kanino nararapat ang Condolence?

Condolence, nakikiramay po kami ang mga salitang sana makatulong makapawi sa mga namatayan at naiwan na kapamilya.
Condolence, nakikiramay po kami ang mga salitang sana makatulong makapawi sa mga namatayan at naiwan na kapamilya.

Sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015 sa pagitan ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), marami ang nagbuwis ng buhay sa ating mga kababayan.

Fallen 44, iyan ang tawag sa mga nagbuwis ng buhay mula sa PNP-SAF. May mga nawalan din ng buhay mula sa MILF at BIFF, pati na mga civilians.

Iba’t iba ang mababasa nating istorya sa internet tungkol sa pangyayari. Ngunit ano nga ba ang katotohanan sa likod nito?

Matagal ng suliranin sa ating bansa ang “insurgency”, mga vigilante, private armies, mga taong labas kung tawagin. Ilang dekada na rin ang palitan ng lakas at alingawngaw ng armas sa pagitan ng government troops at mga rebelde. Ganoon na rin katagal nagtitiis, namumuhay sa takot, at naiipit ang mga civilians sa paligid ng mga delikadong lugar.

Kailan kaya ito matatapos? May katapusan pa ba ito?

Totoong nakakaawa ang mga naulila ng Fallen 44, ganoon din ang mga asawa at mga anak ng namatay mula sa MILF at BIFF. Nakikiramay ang Kabayan in Kuwait sa kanila pong lahat.

Ngunit sa aking tanong na “Kanino nararapat ang Condolence?”, sa aking palagay, ang katagang “condolence” ay nararapat sa lahat ng mga Kabayan – sa Sambayanang Pilipino.

Kapayapaan, kailan ka namin makakamtan?

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: