Events Filipinos in Kuwait Kabayan Info 

Ipagdiwang natin Araw ng Kalayaan 2015

Ang kalayaan sa isip, sa salita at sa gawa ay kaakibat ang malaking responsibilidad.
Ang kalayaan sa isip, sa salita at sa gawa ay kaakibat ang malaking responsibilidad.

Kabayan, bukas na (June 12, 2015) ang pinakahihintay na 117 years Philippine Independence Day Celebration dito sa Kuwait.  Ang Filipino Community (Fil Com) in Kuwait ay malugod na nag aanyaya sa mga kabayan na makibahagi sa selebrasyon sa Qadsiya Sports Club Hawally, mula alas nuwebe ng umaga (9 am) hanggang alas siete ng gabi (7 pm).

FREE ADMISSION ito po, kabayan kaya’t halina at makisaya upang makita at makasama rin ninyo ang mga PBA Players mula sa Pilipinas na sina Christopher Banchero, point guard / shooting guard ng Alaska Aces, jersey No.2 at si Anthony Semerad, power forward / small forward, jersey No. 6 ng Global Point Batang Pier.

PBA player Chris Banchero ng Alaska Aces. Isa siyang Filipino - Italian.
PBA player Chris Banchero ng Alaska Aces. Isa siyang Filipino – Italian. (source: starmometer)
Anthony Semerad ng Global Point Batang Pier ay may dugong Filipino - Czech - Australian. (source: paulprguy)
Anthony Semerad ng Global Point Batang Pier ay may dugong Filipino – Czech – Australian. (source: paulprguy) 

Sina Banchero (Filipino – Italian) at Semerad (Filipino – Czech – Australian) ay magandang halimbawa ng mga Pilipino na kaganapan ng multi-culturalism ngunit nananatiling may pusong Pinoy.

 

Kabayan, wala man tayo sa Pilipinas, magkakaroon din naman tayo ng pagkakataon na ipagdiwang ang 117 Araw ng Kalayaan ng mahal nating bansa, ang nag iisang Pilipinas.

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: