Events Filipinos in Kuwait Information Kabayan Info OFW 

Ilokana Women’s Organization in Kuwait (IWOK)

Ilokana Women's Organization in Kuwait (IWOK) - handang tumulong sino man ang nangangailangan.
Ilokana Women’s Organization in Kuwait (IWOK) – handang tumulong sino man ang nangangailangan.

Bago pa man lumabas ang social media page ng Ilokana Women’s Organization in Kuwait (IWOK) nitong January 2015 at ang Oath taking ng mga officers noong February 8, matagal ng tumutulong sa mga nangangailangan dito sa Kuwait ang mga Ilokana women. Wala silang pinipili na nationality – basta kailangan ng tulong, gagawin nila.

 

Oath taking ng IWOK Officers sa Philippine Embassy na pinamunuan ni Consul General Atty. Raul Dado.
Oath taking ng IWOK Officers sa Philippine Embassy na pinamunuan ni Consul General Atty. Raul Dado.

Ang Ilokana Women’s Organization in Kuwait (IWOK) ay binubuo nina; President –  Rosita Ortiz Alsinan, Vice President – Mariam Alzankawi, Vice President – Leonida Castro, Secretary –  Marjorette Nicolas, Treasurer –  Elsa Tiqui, PRO –  Charites Olla and Nadia Uplac, Sgt. at Arms – Rosemarie Wamilda and Vicky Alvaro, Adviser Farida Al Halimi.

 

Ilokana Women's Organization in Kuwait (IWOK).
Ilokana Women’s Organization in Kuwait (IWOK).

Bumibisita sila sa mga hospitals kahit hindi kabayan ang ibang mga pasyente nagbibigay pa rin ang IWOK ng assistance. Sa mga distressed workers ay nag abot din sila ng relief goods sa Khaitan. Sa POLO OWWA nagbibigay din ng free training sa mga OFWS nasa shelter si Madame Farida Al Halimi ang Adviser ng IWOK, kasama ng iba pang officers ng organization.

Relief goods mula sa IWOK family para sa mga distressed workers sa Khaitan.
Relief goods mula sa IWOK family para sa mga distressed workers sa Khaitan.

Noong December 2014, nagkaroon sila ng event for a cause “Sayaw para sa Pintubo”. Beneficiaries ng nasabing event ay Pinatubo Aetas  at Ms.Farida Al Halimi Cagayan Valley Aetas.

 

Good grooming mula sa IWOK.
Good grooming mula sa IWOK.

Nitong huli, sa pagdiriwang ng 2015 National Women’s Month Celebration, bumisita sa Hateen shelter ng Philippine Embassy ang IWOK. Nagbigay sila ng haircut, massage, nail cleaning, perm at make-up services.

Three Marias IWOK founders
Three Marias IWOK founders

Marami pang naka line up na charity and assistance works ang Ilokana Women’s Organization in Kuwait (IWOK) sa mga susunod pang mga pagkakataon.

 

 

Related posts

Leave a Comment