Filipinos in Kuwait Opinion Tips 

How romantic!

Flowers, chocolates, candles, how romantic nga talaga Kabayan!
Flowers, chocolates, candles, how romantic nga talaga Kabayan!

February na, Kabayan! Ang buwan na pinakahihintay natin, maliban sa December. Ano nga ba ang meron sa February at talagang umaapaw ang saya ng halos lahat ng mga kabayan sa tuwing sasapit ang buwan na ito?

Love month kung tawagin ang February dahil sa Valentine’s Day tuwing 14. Yung mga married women, may boyfriend, may manliligaw, kahit mga single, kapag nakakatanggap ng flowers at chocolates tuwang tuwa tiyak sila! Ibang iba ang feeling kapag may nakaalala sa iyo at mabuti na ma appreciate mo ang pagbibigay nila.

Sa mga husbands, mga boyfriends, may nililigawan, sa dami ng mga flower shops meron sa Kuwait, pwede na kayong mag pa reserve in advance para naman hindi na mataranta ang florist.

Sa mga single ladies at single gentlemen, pwede naman maging special ang Valentine’s Day ninyo. Paano? Kung hindi ninyo off sa 14, mag busy lang kayo sa work – lilipas din ang araw na iyan. Kung day off naman ninyo, mag schedule kayo ng video chat sa inyong mga pamilya sa Pilipinas habang kumakain ng inyong favorite na comfort food.

Kabayan, palagi po sana natin isaisip na ang pagmamahal kailanman sa atin ay hindi ipagkakait – ang dahilan bakit OFW tayo sa Kuwait ay mayroong naghihintay na nagmamahal sa atin sa Pilipinas – ang ating mahal na pamilya.

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: