Hari si Haris sa Kuwait

 

“Haris” ang tawag sa janitor sa Kuwait. Siya ang nagsisilbing taga bantay sa building kung saan siya nagtatrabaho. Siya ang nakikipag usap sa may ari ng building, tenants o nangungupahan at minsan, pati na rin sa mga pulis, si “haris” ang bida.

 

Madami siyang alam sa halos lahat ng mga tao, may ari man o nangungupahan. Masasabi natin na “hari” si “haris” sa Kuwait. May mga “haris” (janitor) na mababait ngunit meron din “haris” na walang konsiderasyon sa mga nangungupahan sa building at malakas kung magpasipsip kay may ari ng building. May mga “haris” (janitor) na inaabuso ang kanilang posisyon.

 

Ano nga ba ang pwedeng mangyari kay “haris” (janitor) na parang hari kung umasta kapag may nagsumbong sa may ari? Pakikinggan kaya ng may ari si tenant? O ipag wawalang bahala lang ni may ari ang sumbong ni tenant basta ang mahalaga ay nakaka kolekta ito ng renta sa tamang oras?

Sundan ang social media in Kuwait http://www.diarynigracia.com/ para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga OFWs.

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: