Events Filipinos in Kuwait Kabayan Info OFW 

Happy International Women’s Day, Kabayan!

Happy International Women's Day sa iyo, Kabayan!
Happy International Women’s Day sa iyo, Kabayan!

March 8, 1911 nang unang gunitain ang International Women’s Day. Sa pandaigdigang entablado, sa iba’t ibang aspeto ng buhay, social, education, community, spiritual, political – lahat ay may kanya kanyang paraan upang celebrate ang International Women’s Day.

Ating pag usapan ang kababaihan (women) bilang  – Ina. Lahat kayang gawin at kayang sakripisyo mapabuti lamang ang mga anak at buhay pamilya. Wala na yatang higit na mapagtiis kung hindi ang isang babae. Masakit man ngunit tunay na nangyayari na minsan, gaano man kabait ang asawang babae, minsan naliligaw pa rin ng landas ang kanyang asawa. Sa kabila ng mga sakit at hinanakit – madalas sa hindi, napapatawad pa rin ng Ina ang kabiyak.

Kapatid – Sabi nga nila kapag ang kapatid mo ay babae, higit ang maipapakita niyang pag aaruga at pagmamahal sa iyo. Hindi perfect ang buhay nating lahat, sa totoo lang. Sa hindi kabutihan, may mga kapatid na babae na – walang pakialam sa iba. Sarili lang nila ang mundo. Lalaon man, makakapag isip pa rin at itatama ang pagkakamali ng isang kapatid na babae.

Anak – Maswerte daw ang taong nabiyayan ng isang anak na babae. May katuwang na daw ang magulang sa buhay, maalalahanin, masipag, mapagmahal. Ilang lamang sa mga katangian n asana lahat ng mga babae ay taglay ito.

Matatag ang mga babae pagdating sa pagsubok, kakayanin ang sakit maitawid lamang ang higit na pangangailangan ng pamilya. Mabuhay ang kababaihan, kabayan! Happy International Women’s day sa kanilang lahat!

 

 

 

 

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: