Directories Events Filipinos in Kuwait Kuwait Info OFW Promo 

Hala February 2015 Shopping

Discount sales and promos sa iba't ibang mga shopping malls sa Kuwait ngayong Hala February 2015!
Discount sales and promos sa iba’t ibang mga shopping malls sa Kuwait ngayong Hala February 2015!

Habang palapit na ang Kuwait National Day 2015, Kabayan, panahon na ito ng hinihintay nating holiday, rest day, family and friends’ bonding. Sa mga bago sa Kuwait at first time makipag celebrate sa Hala February, narito ang ilang information tungkol sa mga malls ng Kuwait.

Al-Fanar Shopping Mall

Isang shopping complex ang makikita sa Salem Al-Muharak Street, Salmiya. Maganda ang designs nito at ka aya aya sa paningin. Magaganda rin ang mga shops sa loob ng mall na ito.

Al Hamra Tower Mall

Al Hamra Tower sa downtown Kuwait City ay magkasamang business center at luxury center. Mahahanap ito sa Al Hamra & Firdous Cinema land, Al-Magwa’a Al-Shargi, Kuwait City sa intersection ng Al Shuhada’a at Jaber Al-Mubarak streets. Maitututing ito na world’s tallest sculpted tower.

 Al Kout Mall

Sa Fahaheel matatagpuan ang Al Kout Mall at dahil nasa may waterfront ito, tahimik at relaxing pumunta at mag enjoy ng cup of tea or coffee. Nakaka excite panoorin ang fountain ng Al Kout Mall. Sa loob naman ay makikita ang kakaibang ceiling at domed tower.

 Al Mohalab Mall

“Titanic Mall” naman kung tawagin ang Al Mohalab Mall sa Muthana Street, Hawally. Ito ay nasa may likuran ng Hawally Park. Dalawang institutions of learning ang malapit sa Al Mohalab Mall; College of Business Studies (Women) at International Media Academy. Kalimitan makikita na dito nag sa shopping ang mga Arab nationals.

 Gold Souk

Sa mga first time visitor at expat dito sa Kuwait, hindi kayo manghihinayang pumunta sa Gold Souk. Marami ang mga items na mabibili dito at totoong nagbebenta sila at bumibili ng ginto (gold). Iba’t ibang jewelry designs ang inyong pagpipilian – mga gold jewelry na Arabic, Indian at Italian.

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: