Directories Events Filipinos in Kuwait Kuwait Info OFW Promo 

Hala February 2015 Shopping 3

Magaan mag shopping kapag ganito ang discount, di ba Kabayan?
Magaan mag shopping kapag ganito ang discount, di ba Kabayan?

Kabayan, third part na ito ng mga shopping malls sa Kuwait. Enjoy Hala February 2015!

Salhiya Complex

Isa sa mga madaling puntahan na shopping complex ay ang Salhiya Complex. Nakakarelax mag spend ng day off at mag family bonding sa lugar na ito dahil malawak mula labas at loob ng complex. Mayroon itong Ground Floor, Mezzanine 1 and Mezzanine 2.

Sharq Mall

Isa sa mga popular malls sa Kuwait ay ang Sharq Mall na mahahanap sa Gulf Road. Dahil nasa waterfront din ito, madalas puntahan ito ng mg water sports lovers kung saan sila nag re rent ng jet ski or motor boat. May artificial lake sa may likuran ng Sharq Mall.

The Avenues Mall

Isa sa mga largest malls sa Kuwait ang The Avenues. Makikita ito sa Al-Rai Industrial Area, Fifth Ring Road. April 207 nang binuksan ang Phase One na mayroon 150 lifestyle shops, iba’t ibang restaurants, Cineplex, hypermart at isang showroom ng kilalang furniture at home accessories company na may branches worldwide.

Villa Moda

Si Sheikh Majed Al-Sabah, pamangkin ng Kuwait Amir ang founder ng Villa Moda. Isa itong luxury department store na kung saan mabibili ang top designer fashion clothing mula sa iba’t ibang international designers. Ang Persian Gulf ay may magandang view mula sa mall na ito.

 

 

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: