Filipinos in Kuwait OFW Philippines 

First time Balikbayan

Masarap maging isang balikbayan ano man ang pinagdaanan.
Masarap maging isang balikbayan ano man ang pinagdaanan.

Ang pinaka masayang araw ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay ang kanyang first time balikbayan sa Pilipinas. Kalimitan pagkatapos ng dalawa o tatlong taon na kontrata sa ibang bansa uuwi ang isang OFW. Iba’t iba ang kuwento ng mga balikbayan.

May first time balikbayan na dahil sa hirap ng naranasan sa mga amo sa ibang bansa, luluha sa galak at tuwa dahil ang pinakahihintay na pag uwi sa pamilya ay makakamtan na. May first time balikbayan na excited umuwi dahil nais nilang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan. May first time balikbayan na hindi makapaghintay magyabang ng kanilang latest gadgets at magpakitang gilas sa iba.

May first time balikbayan na single umalis noon at ng umuwi ay may sariling pamilya na. Naranasan nila ang mamuhay ng de pamilya sa ibang bansa; yung halos wala silang karamay o masasandalan sa oras ng pangangailangan kundi silang mag asawa lamang. Ang mag alaga at magpalaki ng isang anak sa ibang bansa ay hindi medaling gawain at kailangan ang higit na pagpapasensiya at determinasyon.

May first time balikbayan na nag iisip na sana ay may makuha silang trabaho sa Pilipinas na katumbas ang sweldo sa ibang bansa; sila ay ayaw ng bumalik sa abroad. Ito ang mga first time balikbayan na masakit nilang mararanasan ang homesick sa pagbabalik abroad nila.

Ano man ang kuwento ng isang first time balikbayan, iisa lamang ang tapat na makatotohanan – hindi madali ang buhay OFW dahil madaming mga pagsubok ang haharapin nila upang patuloy na kumayod at mamuhay sa ibang bansa upang maisakatuparan ang karamihan sa kanilang mga pangarap.

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: