Filipinos in Kuwait Kabayan Info OFW Philippines 

Dinuguan at Puto

Miss ninyo na ba Kabayan ang Puto at Dinuguan?
Miss ninyo na ba Kabayan ang Puto at Dinuguan?

Isa sa mga paboritong pagkain ng mga Filipino ay ang dinuguan. Halina at saliksikin natin ang pagkain na ito. Sa Visayan, ang tawag nito ay dinuguan din. Sa Ilocano naman ay dinardaraan, sa Pampanga ay tid-tad. Sa Cebuano ay dugo – dugo, sa Batangas ay sinugaok . Sa Waray ay rugodugo at sampayna sa Northern Mindanao.

Ang Filipino dinuguan ay kalimitan ginagamitan ng laman loob ng baboy, ulo ng baboy o kaya naman pork meat at chicken na kung tawagin ay Chicken dinuguan. Maari rin gamitin ang beef meat sa pagluluto ng dinuguan.

Sa ibang bansa, halos malapit ang hitsura ng Filipino dinuguan sa European blood sausage, black pudding ng Britain at isama pa ang Czernina ng Poland.

Tamang asim ng vinegar at ang mga pampalasa tulad ng bawang at siling mahaba ang nagpapasarap sa pagkain na ito. Kalimitan inihahanda ang dinuguan kasama ng mainit na kanin o kaya naman ng puto o Philippine rice cake.

 

Ang social media in Kuwait na  http://www.diarynigracia.com/ ay madaming tips para sa pang araw araw na buhay.

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: