CV Review Kabayan Info Tips 

CV Review # 2 – Para kay Kabayan

cv review services kabayan

 

Ang numero po ang magsisilbing CODE ng isang CV o Resume na ipinapadala ng isa nating  Kababayan sa ating Kabayan FB Group kung saan makikita ang isang CV na itinatama, at para na din sa kaalaman ng lahat.

Ito ang mga itatama sa iyong CV: – Refrigeration and Air-conditioning Technician

  1. Ang LITRATO o PICTURE ay sa kanan nilalagay.
  2. Hindi na kailangan ilagay ang Passport Number, CIVIL ID lamang sapat na.
  3. PROFESSIONAL QUALIFICATION ang tamang gamit na term at hindi JOB DESCRIPTION.
  4. Unang binabanggit sa iyong PROFESSIONAL QUALIFICATION ay 18 years of experience in field of Refrigeration and Air-conditioning Technician bago isunod ang mga ilang mahalagang qualification meron ka.
  5. POSITION, COMPANY NAME, COMPANY ADDRESS and YEARS STARTED and FINISH ang chronological arrangement ng pagbibigay ng tamang WORK EXPERIENCE o pagkakasunod-sunod na matatawag.
  6. Iwasan gumamit ng “&” para sabihing “and”, formal po ito at hindi ka sumusulat sa isang kaibigan.
  7. Kung nabanggit mo na sa isang trabaho mo sa CV ang mga Job description, ito ay iwasang banggitin muli sa sumunod na work experience na magkakahanay lamang, sayang po ang space.
  8. Panatilihin ang page ng CV na hanggang 2 lamang.
  9. Hindi na kailangang banggitin ang CHARACTER REFERENCE dito sa bansang ito, sa Pilipinas lamang ito.
  10. WORK EXPERIENCE at hindi WORK EXPERIENCE(s) pag-sinabi mo ito, understood na po. Hindi na kailangang lagyan pa ng S para Plural.
  11. Maaring itawag sa iyong karanasan ay PROFESSIONAL EXPERIENCE dahil ito ay nangangailangan ng isang masusing karanasan at hindi basta-basta.
  12. FREEZONE correct spelling.
  13. Ilagay mo ang iyong PERSONAL INFORMATION, simple lang; DATE OF BIRTH, AGE, NATIONALITY, CIVIL STATUS, eto lamang po ang kulang.

Kabayan, nawa ay pagpalain ka sa iyong pag-apply.

MARAMING SALAMAT.

 

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: