Events Filipinos in Kuwait OFW Opinion Philippines 

Congratulations sa OFW Parents!

Ang month of March ay isa sa mga pinakahihintay na buwan ng mga OFW parents. Patunay ito ng isang school year na nalampasan nila at ng kanilang mga anak.
Ang month of March as isa sa mga pinakahihintay na buwan ng mga OFW parents. Patunay ito ng isang school year na napagtagumpayan nila at ng kanilang mga anak.

March – umaapaw ang social media account ng mga OFW parents sa pag post tungkol sa iba’t ibang achievements ng kanilang anak sa school – preschool, grade school, high school at college man ang mga ito.

Moving up Ceremony, Culminating Activity, Closing Exercises, Commencement Exercises, Recognition Day, Academic Excellence and Special Awards – ano man ang tawag sa okasyon na nagpapatunay ng pagsiskap ng isang student, iisa lang ang katotohanan – very proud ang OFW parents sa kanilang anak.

Kalimitan iilang pangyayari sa buhay kaya napapauwi ang isang OFW parent –7th birthday ng anak, debut ng anak na babae(18) at graduation ng anak. Sa recognition kasi maaari naman nandun ang Mama (kung Papa ang OFW) o baligtad o kaya naman andun si Lolo o Lola para magsabit ng medal.

Hindi gawang biro ang magpagal, magtiis sa homesickness, makisama sa mga katrabaho habang nasa ibang bansa ang OFW parents.

Paano nga ba nila napupunuan ang pagkalayo nila sa kanilang mga anak na nag aaral? Anu ano kaya ang mga napapag usapan nila bilang pamilya sa tuwing may chat o kaya video call? Anu ano kaya ang nasa isip ng OFW parents tungkol sa school ng kanilang mga anak?

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: