documents Information Philippines 

Commission on Filipinos Overseas (CFO) Registration Requirements

Commission on Overseas Filipinos
Ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) ay nagpapaalala sa mga Immigrant Visa holders na kailangan muna silang magpa register sa CFO bago umalis ng Pilipinas.

Tama nga naman ang Commission on Filipinos Overseas (CFO). Hindi por que immigrant visa holder na ang isang Filipino, ay basta na lamang siya aalis ng Pilipinas ng hindi ginagawa ang kaukulang legal process.

Sa mga may immigrant status papuntang USA, Canada, Australia, New Zealand, Italy, Japan at iba pang mga bansa, narito ang mga requirements upang mapadali ang pag register ninyo sa CFO.

Requirements for Registration

1. Original at photocopy ng passport (valid hanggang six months bago sa iyong pag alis)

2. Original at photocopy ng visa

3. One (1) 2×2 o kaya passport-size photograph

4. One (1) valid identification card with photograph tulad ng SSS ID, GSIS E-card, PRC ID, driver’s license, postal ID, Alien Residence Certificate, etc.

5. Photocopy of Immigrant Data Summary para sa USA emigrant (huwag alisin sa visa packet) maliban sa K visa holder

6. Original at photocopy ng Confirmation of Permanent Residence para sa papuntang Canada emigrant (huwag hayaan masira o masulatan bago sa date of departure / pag-alis)

7. Original at photocopy ng Certificate of Eligibility para sa Japan emigrant

8. Original at photocopy ng Nulla Osta para sa Italy emigrants

9. Original at photocopy ng letter of approval for Work to Residence visa para sa New Zealand emigrants

10. Printed copy ng Visa Grant Notification Letter para sa Australia emigrants

11. Photocopy ng employment contract para sa immigrant workers

12. Fill up registration form para sa Emigrants at para sa  Immigrant Workers

13. P400.00 registration fee

14. Attendance sa PDOS, guidance counseling at peer counseling session

 

Para sa mga emigrants 13 to 19 years old, may mga karagdagang documents tulad ng;

1. Photocopy ng parent’s passport or valid identification card, kung kasama ang parent’s sa registration ng youth emigrant

2. Letter of authorization mula sa parent’s para sa tumtayong guardian ng youth emigrant

3. Original at photocopy ng DSWD travel clearance

(Source: Commission on Filipinos Overseas)

 

Related posts

One Thought to “Commission on Filipinos Overseas (CFO) Registration Requirements”

  1. […] 30 years nang ipinapatupad ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang Guidance and Counseling Program para sa mga fiancé, fiancee, spouse at partner ng foreign […]

Leave a Comment