OFW Philippines 

Clark International Airport

 

Arrival area ng Clark International Airport sa Angeles City, Pampanga.
Arrival area ng Clark International Airport sa Angeles City, Pampanga.

Ngayong buwan ng December, maraming kabayan ang umuuwi ng Pilipinas upang mag Pasko at makita ang mga mahal nila sa buhay. Tara na kabayan sa Clark International Airport!

Ang Clark International Airport ay unang tinawag na Diosdado Macapagal International Airport. Ito ay matatagpuan sa Clark Freeport Zone, Angeles City sa Hilagang-kanluran (Northwest) ng Pilipinas. Mararating ito sa pamamagitan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway(SCTEX)  at ng North Luzon Expressway (NLEX).

Pinasinayaan ang Terminal 1 noong Abril 2008 at natapos noong April 2010. Ito ay pinamamahalaan ng Clark International Airport Corporation (CIAC), isang government-owned enterprise. And dakong Timog (southern) na bahagi naman ay pinamamahayan ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas (Philippine Air Force).

Sa kasalukuyan ang mga airlines at destinations pampasahero (passenger) palabas at paloob ng Clark International Airport ay ang mga sumusunod; AirAsia – Kuala Lumpur,  Asiana Airlines – Seoul-Incheon, Cebu Pacific – Cebu, Hong Kong, Macau, Singapore, Dragonair – Hong Kong,  Jin Air – Seoul-Incheon, Qatar Airways – Doha, Tigerair – Singapore,  Tigerair Philippines – Hong Kong, Manila (matatapos sa January 5, 2015).

Departure Area Clark International Airport.
Departure Area Clark International Airport.

 

Sa cargo naman ang mga sumusunod na airlines at destinations; Pacific East Asia Cargo Airlines – Cebu, Taipei-Taoyuan;  Tri-MG Intra Asia Airlines – Cebu, Hong Kong at Yangtze River Express – Shanghai-Pudong, Shenzhen.

Kalimitan bumababa at umaalis mula sa Clark ang mga pasahero mula sa Greater Manila Area, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Pangasinan at mga northern regions ng Luzon. Patuloy ang pagpapaganda at pagpapahusay sa Clark International Airport para sa mga kabayan at iba pang mga pasahero.

 

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: