Congens Blog Corner Filipinos in Kuwait Kabayan Info Kuwait Info News OFW Philippine Embassy News Philippines Rescue Bulletin 

Civil Id Gang in Kuwait

Maaring bago ito sa pandinig ng iba o luma man tayo ay mag-ingat pa din, Isang kabayan natin ang nagbigay ng babala at nagpa-aalala sa insidenteng ngyari sa mga taong malapit sa kanya, tawagin natin siya sa pangalang Mayet, at ang grupong gumagawa ay “Civil Id Gang”

“Marami ng nabiktimang mga kabayan natin ang Civil Id Gang, minsan, andiyan lamang sila sa facebook inaabangan mga nag po post ng mga tuwang-tuwang kabayan na may Civil Id na sila, at mabilis nilang nakukuha ang mga impormasyon, minsan ang mga nabibiktima iyong mga nagbibigay ng kahit numero lamang ng civil id nila, at sa pamamagitan nito ay nakakuha na sila ng mga gadget at mga kasangkapan mula sa kilalang mga shop na nagbebenta ng pahulugan at si kawawang kabayan ay magugulat na lamang siya ay naka travel banned at may malaking bayarin, nakaawa po ngyari sa aking kaibigan at kamag-anak na pauwi na sana pero napag-alaman na naka-travel banned at ang halagang bayarin ng bawat isa ay 400kd mahigit, ang malupit pa dito siya ay nakulong, kaya sana ay makapag-bigay kayo ng babala sa mga kabayan nating mga nag-po post po ng kani-kanilang Civil Id, kundi nila ito maiwasan maari ay kanilang burahin ang numero at iba pang impormasyon” ani ni Mayet.

Sana ay magsilbi itong aral at babala sa lahat ng ating kabayan na nandito sa Kuwait. Paki-share lamang po mga kabayan. Salamat na marami.

 

CIVIL ID MODUS OPERANDI

Related posts

One Thought to “Civil Id Gang in Kuwait”

  1. […] ko lang ang post na eton muna sa kabayaninkuwait at nagbibigay ng paalala or pagbibigay babala sa mga OFW sa […]

Leave a Reply

%d bloggers like this: