Business at Corruption sa Pilipinas, magkasama ba?

Corruption, kasama ba ito sa pagtatayo ng business / negosyo sa Pilipinas? Sa aking pakiki pag usap sa ilang mga kabayan na nakapag tayo ng business / negosyo sa Pilipinas mula sa kanilang mga naipon sa kanilang pagtatrabaho dito sa Kuwait, may ilang patunay silang nabanggit at mariing pinaninindigan.

 

Lahat ay natuwa sa unang government agency na dapat puntahan; ang Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ang Business Name Registration ay kailangan isagawa. Pinapili sila kung ang kanilang Business Name ay walang katulad sa Barangay (200.00), Municipal (500.00), Regional (1,000.00) at National (2,000.00). Kapag na approve ang kanilang Business Name, mabibigyan sila ng Certificate of Business Name Registration na magtatagal hanggang 5 taon. Malaking tipid, hindi po ba, Kabayan?

Dala dala ni Kabayan ang kanyang mga business documents, pumunta ito sa Munisipyo kung saan nasasakop ang kanyang itatayong business. May Engineer’s Office, Zoning Area Office, Fire Department, Sanitary Department na pinuntahan. Lahat iyon may mga kaukulang bayad bago nabigyan ng permit si Kabayan. Pinakahuli ay ang Mayor’s Permit na ang babayaran ay ayon sa ginawang business category at business bracket ng Munisipyo. Kung sakali man medyo mataas ang babayaran meron naman two gives o kaya ay quarterly payment. Lahat ng permits ay tatagal ng isang taon lamang.

Ayan, papunta na si Kabayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR), dito kapag na approve mga documents na dala niya, sasabihin na ni Sir kung anu anong mga receipts / resibo ang kailangan niyang ipagawa para sa kanyang business. Kailangan din mag attend sa seminar si Kabayan, seminar tungkol sa taxes payment at pagsusulat sa mga books of accounts.

Ang pinaka importante sa lahat, huwag na huwag hahayaan ni Kabayan na makalimutan niyang magbayad sa tamang oras sa mga taxes kung hindi, katakot takot na penalty ang aabutin ng business niya! Ang Certificate of Registration mula sa BIR ay lifetime naman ngunit tuwing bago magkatapusan ng December kailangan ay nakapag pa register na ng bagong books of accounts si Kabayan, pati na pagbabayad ng 500.00 na Annual Registration Fee.

Ipagpalagay na natin na umaandar na ang business ni Kabayan, malakas man ito o mahina kesa sa inaasahan, patuloy ang monthly at quarterly taxes payment sa BIR, renewal ng Mayor’s Permit bago mag January 20 sa susunod na taon. Sa loob ng 2 months, papayag pa ang BIR na “no income” ang mga filing mo sa taxes. Pero sa ikatlong buwan o higit pa, naku, maghanda kana at baka ma imbestiga ka pa kasi puro ka “no income” sa system nila.

Huwang sana natin laging isipin na kapag nagtaas kada taon ng payment fee ang barangay, munisipyo ay corruption na agad. Tingnan muna natin sa kapaligiran baka naman may nagawang improvement si Chairman o kaya si Mayor sa ating lugar. Baka naman nagkaroon ng madaming trabaho sa community. Ganoon pa man, sana hindi masyadong mataas ang singil bawat taon para naman hindi nasasakal si businessman Kabayan, hindi po ba?

Ano kabayan, gusto mo pa bang magtayo ng business sa Pilipinas?

Ang social media in Kuwait na http://www.diarynigracia.com/ ay naglalaman ng iba’t ibang stories tungkol sa buhay OFW.

 

 

 

 

 

Related posts

Leave a Comment