Bawal magsampay sa balcony ng building

May bagong ordinansa at sana ay magawa nating tumupad sa pagkakataon na ito, kabayan.
May bagong ordinansa at sana ay magawa nating tumupad sa pagkakataon na ito, kabayan.

Isang Municipal Council Ordinance ang ipinatutupad sa buong Kuwait ayon kay Abdullah Al-Kandari. Simula ngayong January 2015, bibigyan ng multa ang sinumang magsasampay sa mga residential building balconies ng mga nilabhan na damit.

Ang mga residential buildings sa Kuwait ay nahahati sa tatlo; family residences, flats for single women at flats for bachelors. May mga old residential buildings na walang long hallway to the elevators ngunit may balcony ang mga ito. Kaya doon kalimitan nagsasampay ang mga naninirahan. Naaarawan pa at nasasapul ng hangin.

Ang mga new buildings naman ay may long hallway to elevators. Kahit pumayag man ang may ari ng building na gagawa ang mga flat holder ng kani-kaniyang sampayan, parang may tiangge naman sa mga hallway.

Iisang solusyon lamang ang naiisip sa sitwasyon na ito; gumawa ng kani-kaniyang sampayan sa loob mismo ng mga kwartong inuupahan ang mga tenants. Gumamit na lamang ng fabric conditioner upang mas mabango ang mga labada.

Bagong ordinansa, bagong pag aadjust ngunit wala tayong magagawa kabayan kung di ang sumunod dahil nandito tayo sa ibang bansa. Nais lamang ng Kuwaiti government na mapalinis ang kapaligiran at mabigyan ng kaukulang disiplina ang mga Kuwaitis at mga expatriates lalo na ang mga bachelors.

 

(Hango sa report ni Faten Omar ng Kuwait Times Net)

 

 

 

 

104 Shares

Share this post

Leave a Reply