Kuwait Info 

Bagong bahay para sa mga inabusong OFWs in Kuwait binuksan na

Bagong address ng Philippine Embassy ATNU
Bagong address ng Philippine Embassy ATNU

Kuwait City-Isang bagong shelter ang binuksan ng Philippine Embassy sa Kuwait nitong Abril sa Hateen para sa mga inabusong Pilipinong household service workers (HSWs).

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affair (OUMWA) sa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ang shelter na ito ay karagdagan sa Filipino Workers Resource Centre (FWRC) na para sa mga tumakas na Pilipinong kasambahay sa Faiha.

Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Philippine Ambassador Lamberto Monsanto kasama ng ibang opisyales ng embahada at ng Philippine Overseas Labour Office (POLO). Si Rev. Fr. Alfred Micua naman ang nanguna sa pagbendesyon ng nasabing tuluyan.

Subalit, hindi lahat ng naabusong manggagawa ay ma-aakomoda ng nasabing shelter. Ayon kay Philippine Consul General Atty. Raul H. Dado, para lamang muna ito sa mga manggagawang nasangkot sa mga grabeng kaso ng pang-aabuso.

 “Due to the limited space and special purpose, for now, the new shelter only houses special and grave cases where the abused domestic needs strong legal action and lengthy counseling,”

“Those HSWs (OFWs in Kuwait) who have gone through severe physical abuse and were raped will be accommodated in this shelter so we can give them more attention and help them recover from the trauma with the help of our social worker attaché while they await litigation and resolution of their cases. On the other hand, those non-ATN cases will stay at the FWRC in Faiha,”

Sa ngayon, mayroon 40 na kaso ng HSWs ang nasa ilalim ng ATNU at sila ay ililipat sa bagong shelter.

Related posts

Leave a Comment