Information OFW Philippines Technology 

Ano ang TESDA?

Ano ang Tesda?
Ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) ay naglalayon na palakasin ang mamamayang Pilipino, ano man ang natapos nilang edukasyon.

Ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) ay isinabatas ni President Fidel V. Ramos noong  August 25, 1994 sa pamamagitan ng  Republic Act No. 7796, na higit na kilala ng masa bilang “Technical Education and Skills Development Act of 1994”.

Layunin ng batas na ito na palawakin at palakasin ang mga mamamayan sa tulong tulong na pakikiisa ng industry, labor, local government units and technical-vocational institutions ng Pilipinas. Mga government agency tulad ng National Manpower and Youth Council (NMYC), Bureau of Technical and Vocational Education (BTVE) at Apprenticeship Program ng Bureau of Local Employment (BLE) ay malaking tulong din upang maitayo ang TESDA.

Karamihan sa mga nag aaral ng TESDA ay mga out of school youths na nakatapos ng Alternative Learning System (ALS), mga high school graduate na hindi kaya ang mag aral sa college ngunit ayaw naman mahinto sa kaalaman, mga de pamilyang tao na ngunit nais may matutunan pa rin upang maiangat ang kasalukuyang kinalalagyan sa buhay at  mga college graduates na ngunit kailangan ng continuing education para ma promote o makakuha ng karagdagang sahod sa kasalukuyan nilang trabaho.

Ngayon para sa mga OFW, meron na rin online program ang TESDA.

 

Related posts

Leave a Comment

%d bloggers like this: