Information OFW Philippines Technology 

Ano ang TESDA Online Program?

TESDA Philippines
Sa pamamagitan ng internet, makakapag aral ng TESDA Online Program.

Ang TESDA Online Program (TOP) ay naglalayon na mapadali ang pag aaral ng lahat ng mga Filipino sa mga technical courses sa pamamagitan ng internet. Isinagawa ito para sa mga estudyante, out of school youths, mga adults na walang trabaho, workers, professionals at Overseas Filipino Workers na gustong magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang skills and livelihood courses, ngunit hind kailangan lumabas ng bahay. Gamit ang desktop o laptop, maari na silang makapag aral.

Paano mag enroll sa TESDA Online Program?

Pumunta lamang sa website ng TESDA Online Program website, sundan ang step by step ng registration. Click ang “How To” section ng website.

Magkano ang pag enroll sa TESDA Online Program?

Walang bayad ang pag enroll sa TESDA Online Program, ito at FREE (Libre).

 

Ano ang makukuha pag nakatapos ng TESDA Online Program?

Pag nakatapos nang online course sa TESDA, bibigyan ka ng hands on assessment para mabigyan ka ng National Certification sa alin mang TESDA assessment center.

Para sa karagdagang katanungan, tumawag lamang sa (+63) 2 – 8938297 (Philippines) o kaya naman mag email sa etesdapmo@tesda dot gov dot ph

Related posts

Leave a Comment